Advertisers

Advertisers

KAUNA-UNAHANG MGA OPISYAL NG BUCOR PRESS CORPS, NANUMPA KAY DG CATAPANG

0 170

Advertisers

NAGING matagumpay ang kauna-unahang Inagurasyon at Oath Taking Ceremony ng mga Opisyal ng Press Corps sa kasaysayan ng Bureau of Corrections (BuCor) na ginanap noong Mayo 26,2023 sa Quest Plus Conference Center sa Clark,Pampanga.

Ang simpleng seremonya ay inilunsad ng BuCor sa pamamagitan ng Public Information Office (PIO) sa pamumuno ni C/SINSP Marlon E Mangubat at ang kauna-unahang ‘Panunumpa’ ng mga Opisyal ng BuCor Press Corps.

Ang oath taking ceremony ay dinaluhan nina BuCor, Director General Gregorio Pio P Catapang Jr. , AFP (Ret.), CESE kasama sina J/SINSP Angelina L Bautista (Ret.), OIC-Deputy Director General for Operations (DDGO) at ODG -Head Executive Assistant.



Si Mangubat ay nagbigay ng kanyang taos-pusong pambungad na pananalita hinggil sa walang patid na suporta sa mga mamamahayag ukol sa pagbibigay ng napapanahon, tumpak, at may-katuturang impormasyon sa publiko hinggil sa mahahalagang kaganapan ng Kawanihan.

Kasunod nito, nanumpa ang mga opisyal ng BuCor Press Corp at tumanggap ng mga plake ng pagpapahalaga (telebisyon, radyo, print/online category) na pinangangasiwaan nina DG Catapang, Bautista at Mangubat.

Nagbigay ng makabuluhang mensahe ang kasalukuyang presidente ng BuCor Press Corps na si Gary De Leon ng TV5 at hinihikayat ang kanyang mga kapwa opisyal na magbigay ng totoo, layunin, at walang kinikilingan na balita sa publiko.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw na talumpati, sinabi naman ni DG Catapang na ang makasaysayang New Bilibid Prison (NBP) ay tila hindi gaanong napag-ukulan ng pansin dahil sa kakulangan ng panahon ng panunungkulan ng mga nagdaang Pangulo ng bansa.

Aniya, marami siyang magagandang programa sa BuCor sa tulong ni Pangulong Ferdinand ‘BongBong’Marcos Jr. at malaki ang kakailanganing pondo upang higit na mapaunlad ang naturang institusyon.



Bagama’t limang taon na lang ang nalalabi sa kanyang panunungkulan ay sisikapin ni Catapang na mareporma ang Bucor at maging katuwang ito sa pag-unlad ng ating bansa. Ilan sa mga dapat i-reforma ng institusyon ay bigyan ng kabuhayan ang mga Persons Deprive of Liberty (PDLs) sa pamamagitan nang pagtatanim ng agricultural products sa mga lupang pag-aari ng BuCor upang makatulong sa supply ng pagkain sa bansa.

Bukod dito ay ililipat din ang mga PDLs mula sa minimum at maximum compound sa ilang malalaking Penal Prison and Farm kung saan ay maaari nilang isama ang kanilang pamilya. Marami pang proyekto si Catapang kaugnay sa BuCor Modernization Program.

Nagpahayag din ang BuCor chief ng kanyang lubos na pasasalamat sa mga Opisyal ng BuCor Press Corps at mga tauhan ng PIO dahil naging makabuluhan ang kaganapan. Bukod dito, nais din niyang palakasin ang ugnayan sa mga mamamahayag para sa ikabubuti ng naturang institusyon.

Ang mga opisyal ng BuCor Press Corps ay kinabibilangan nina President Gary de Leon (TV5) ; Vice President Noche Cacas (DZRH); Secretary Archie Amado ( Radyo Agila ); Treasurer Jojo Sicat ( DZRJ ); Auditor Virnalyn Amado ( Radyo Agila) at Chairman of the Board Tony Gildo ( DZME).

Ang mga Board of Directors ay sina Teddy Balanza (TV5); Jeffrey Gonzales (TV5); Jan Escosio (Inquirer TV Online); Jojo ‘bajongski’ Sadiwa ( POLICE FILES TONITE ); Danilo Bacolod ( Saksi Ngayon ) ; Cesar Morales ( Remate/ Police Files Tonite ); Bella Gamotea (Balita/ News Flash PH) ; Avito Dalan ( Phil. News Agency ) ; Gina Plenago ( Bulgar ) ; Joseph Muego ( Manila Standard ) at Ariel Fernandez ( Manila Bulletin )

Ang bagong tatag na BuCor Press Corps ay isang grupo ng mga mamamahayag na may ibat-ibang media organization kung saan karamihan dito ay tagapaghatid ng mga balita mula sa southern part ng Metro Manila. (JOJO SADIWA)