Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
AMINADO ang newbie singer na si Christi Fider na isa sa matagal na niyang pangarap ay ang maging singer.
Nagkaroon ito ng katuparan via her debut single titled Teka, Teka, Teka na napakikinggan na ngayon sa iba’t ibang radio stations nationwide at available na rin sa mga digital platforms worldwide like sa Spotify, Apple Music, Itunes, Youtube Music at Deezer.
Masayang saad niya, “That is one of my dreams, so yes, lagi ko siya ini-imagine. Hahaha! But I’m very thankful din kasi all of the things that I used to imagine dati, unti-unti na siyang natutupad. Super-kilig everytime I see my music video sa Youtube channel ng Star Music.”
Si Christi ay 20 years old, graduate ng AB History sa UST at nagsimula bilang Youtuber. Siya ay under ng Adober Studios before at nakalabas na sa ilang short films tulad Bakit Ka Single?, The End, at Kahulugan.
Masaya at grateful siya dahil finally ay available na sa mga digital platforms ang kanyang single.
Pahayag ni Christi, “Very happy and grateful. Like I said, ini-imagine ko lang ito before and now na it’s happening. I really can’t believe it. ‘Pag nakikita ko yung song or yung page ko sa Spotify, napapa-smile na lang ako and I feel thankful sa lahat ng nagsu-support sa song.”
How does it feel na isang award winning composer na si Direk Joven Tan from Himig Handog ang gumawa ng kanyang first single?
“I’m lucky that Direk Joven wrote my first single. Hindi lahat nabibigyan ng chance to work with a talented composer like him. Lahat ng ginawa niya for Himig Handog, big hit! Kaya I’m always thankful din talaga kasi he’s guiding me also and I hope marami pa kaming collaborations in the future.”
Nang sinabi sa kanyang ire-record niya ang Teka, Teka, Teka, ano ang na-feel niya?
Tugon ng talented na dalaga, “Super kilig! As in na-excite ako agad. He’s very known kasi sa pag-compose ng songs na naghi-hit talaga! Na-pressure din ako kasi magaling si direk eh, as much as possible ayaw ko siyang ma-disappoint.
“Pero mostly excited talaga!”
Paano niya ide-describe ang kanyang single?
“The Pandemic Song. It is a bubblegum pop. Good vibes talaga! It’s a reminder na sa kabila ng lahat ng nangyayari ngayon, there is still something to look forward to, eventually everything will be alright.
“Na sa muling pagkikita, may halik at yakap na,” masayang esplika pa ni Christi.