Advertisers

Advertisers

Nadine muntik mamatayan ng dyowa dahil sa cancer

0 159

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAINTERBYU si Tito Sotto ng ASPN (Net 25) na ang hosts ay sina Pat Daza at Ali Sotto.
Natanong ni Pat ang dating Senate President kung ano ang working title ng kanilang programa kapag umere na sila sa July.
Ayon kay Tito Sen, “merong pinag-uusapan yung grupo namin tungkol dyan at ang Media Quest and again we’re leaving it to the lawyers.
“But kung ako ang tatanungin mo directed on me, my personal opinion sa akin dapat Eat Bulaga ang gamitin namin, kami ang may-ari nu’n why we would give it up, 44 years, tapos bigla kang papasok aangkinin mo? Wala ka naman dun ah,” tuluy-tuloy na wika ng dating senador.
Tanong naman ni Ali “kayo ba are thinking of retiring?”
“Yes of course, pero ang target namin ay ‘Go For Gold.’
Ang magpu-produce ng programa ng TVJ ay ang MediaQuest Holdings, Inc.
Samantala, may tsika rin kaming nasagap na ilalagay umano sa noontime slot ng It’s Showtime.
Magtatapos na raw kasi ang kontrata ng It’s Showtime sa TV5 sa June 30, 2023 kaya hanggang June 30 na lang daw mapapanood ang It’s Showtime sa TV5.
Magkagayon man tuloy pa rin ang pagpapalabas ng programa sa Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, Kapamilya Online Live, at iWantTFC livestream.
Mapapanood pa rin daw ang ptograma sa TV5, pero delayed telecast na nga lang.
***
GTV HULI NA ANG OFFER SA TVJ
Nagpahayag ang GMA Network na bukas sila para maging official broadcast partner sa bagong noontime show na bubuuin ng mga former Eat Bulaga host sa pangunguna nina Tito Vic at Joey.
Nag-offer umano ang GTV Channel 27 ng GMA para sa legendary trio.
Handa umano ang network na tumulong kung sakaling sila ang pipiliin ng TVJ na maging Broadcast Partner.
Pero, late na ang offer ng GTV dahil usap-usapan nang eere sa buwan ng Hulyo ang original hosts ng Eat Bulaga saTV5.
Siguro kung agad na kumilos ang GTV right after nang nangyari sa TVJ at Tape, malamang nag-sècond thought din ang TVJ.
Pero, kung kelan nakahanap na ng bagong tahanan ang TVJ saka sila naglabas na open sila na maging broadcast partner ng TVJ.
Isa pa umere na rin uli ang bagong Eat Bulaga ng Tape, Inc.
***
NI-reveal ng boyfriend ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou na biktima siya ng cancer.
Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi niya ang kanyang karamdaman.
Aniya, nangyari raw iyon three years ago.
Panimula niya: “This was something I never thought I’d share at all on social media. Maybe I never did because I preferred not to be seen as the victim or to use this illness to appeal for pity. And while I was successfully overcoming it, I saw many around me losing their lives trying to, so it didn’t feel right to talk about myself.
“But around 3 years ago, I was diagnosed with cancer and I was told I only had a few weeks left to live. I experienced the darkest sensation of fear, which is something I thought I had already known because it wasn’t the first time I was in a life threatening situation.
“But this was different. The enemy was invisible and deep inside my own body – a body that I never doubted before, at the age of 27.”
Nu’ng una raw ay natakot siya.
“I was scared but I was also angry and frustrated at life. I thought, I’ll never have kids, my own family, or finish what I started in Siargao. I will never get my first barrel surfing.
Natanong din niya ang sarili, “Why is this happening to me? Why me? I felt so full of life and suddenly finding out I had a couple weeks left to live was devastating… to say the least.”
Pinili raw niyang mag-stay sa Siargao.
“Live the best I could out of my last days and not even bother trying to cure myself since I thought there was not much hope left.”
Tinanggap na raw niya nang maluwag sa kalooban ang nangyari sa kanya.
‘I learned from other doctors that there was a chance to heal but I had to drop everything, leave immediately, and go back to France to a specialized hospital.
Nadiskubre raw ng mga doktor na may rare type of lymphoma siya and even mentioned it was so rare they had no statistics of survival but that they were still hopeful and my 6 months treatment started.
“Not only was I lucky enough to benefit from the best treatments available from the leading cancer research center in Europe, but all of this was completely free of charge thanks to the rights the French fought for. It just makes me think how unfair it can be in other countries when something as bad as this hits.”
Pagkatapos daw ng kanyang 2 months nang pag-chemotherapy at immunotherapy, “I was full remission.”
Live and let live.
Nagpasalamat siya sa mga taong sumuporta sa kanya.
***
ECHO TYPE MAKATRABAHO SI KATHRYN
Masaya si Jericho Rosales dahil balik akting na naman siya.
Puspusan na ang pagsu-shooting ng aktor ng SellBlock na ang gagampanan niya ay isang preso.
Nasasabik na ang Echo fans na mapanood sa wide screen ang kanilang idolo.
Anila: “Echo is really a good actor.
Cant wait to see his next movie.
Dba nag enrolled ulit sya sa acting workshops? O dibaaa.”
“Grabe naman. Halos four years un huli niya. Been waiting for Echo sa Kapamilya Channel sana. Ang galing nito sa Halik”
“More projects pa echo, ikaw at si dennis trillo talaga ang pambato ng generation nyo sa actingan. As in ung pogi na magaling. Ung iba kasi magaling lang or pogi lang”
“Yay! Finally filming na siya ng international series niya. Congrats echo! One of our best actors. Dekalidad nanaman yan at mag hihit for sure. Infairness isa ito sa mga aktor natin na maraming fans sa asya pero di mayabang. Always humble at isa sa pinakamabait.”
“One of my favorite actors. A truly great actor. Looking forward God willing you get to work with Kathryn Bernardo as you stated before how you love what she exudes on screen as an actress?????? someday Jericho”
***
JULIA WALANG REKLAMO KUNG SECOND CHOICE LANG SA MOVIE WITH ALDEN
Nagustuhan umano ni Julia Barretto ang inayawang role ni Bea Alonzo.
Magsisimula na raw mag-shoot ang movie sa susunod na buwan with Alden Richards.
Ayon sa presidente at CEO ng Viva Communications, Inc. na si Vincent Del Rosario III, “Dating Alden-Bea, tapos nag-issue naman ng statement kami and ng GMA na magpapahinga muna si Bea. So, si Julia na. Ito ‘yung remake ng isang hit Korean movie, local version.”
Wala naman daw naging problema kay Julia kahit nalaman nitong hindi siya ang unang napili para sa pelikula.