Advertisers
MATAPANG na sinabi ni suspended Congressman Arnolfo Teves, Jr. na hindi niya uurungan ang hamon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na umuwi na ng bansa at harapin ang mga kasong ibinabato laban sa kaniya.
Ayon kay Teves, uuwi lamang siya ng Pilipinas kung tamang masagot ni Remulla ang kaniyang tanong kaugnay sa kung papaano nagkasya ang 13 katao sa isang 9-seater na eroplano, at kung paano nagkasya ang anim na pasahero kasama na ang piloto sa isang 5-seater na helikopter.
Iginiit ni Teves na walang ebidensiya ang Department of Justice na nag-apply siya ng citizenship sa Timor Leste, dahil inililihis lamang ng ahensya ang usapin para lalo siyang madiin sa kaso.
Aniya, may may intel personnel sa Pilipinas ang kumukontak sa gobyerno ng Timor Leste para alamin ang kaniyang kinaroroonan.