Advertisers
Nakahanda na ang Philippine Ports Authority (PPA) sa bawat pantalan sa buong bansa bilang pagiingat sa inaasahang paglakas ng Southwest Monsoon (HABAGAT) na mararanasan sa buong kapuluan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), asahan ang mabigat na pag ulan sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, at Bataan. Habang magiging maulap na may kasamang pag ulan at kulog naman sa Cordillera Administrative Region, CALABARZON, maging ang Metro Manila at ang buong Central Luzon.
“Based on our forecast track, the country is expected to be free from any storm in the coming days and the southwest monsoon is the one that is affecting large parts of the country,” ani PAGASA Weather Specialist Grace Castañeda.
Dahil dito, sinisigurado ng PPA na magiging available 24/7 ang mga charging stations at security assistance pati na rin ang paghahanda ng mga pagkain sa bawat pantalan sakaling magkaroon ng mga pasaherong stranded dahil sa habagat.
“Since passengers’ welfare remains to be our utmost priority, I instructed all the PMOs to make sure that we can cater to the needs and concerns of the passengers. Mayroon nga po kaming PPA-lugaw sa pantalan sa buong bansa po yan, para masiguro na may makakain ang mga nag-aantay na pasahero sakali mang magkaroon ng cancellation o delays ang kanilang sinasakyan,” ani PPA General Manager Jay Santiago.
Nakikipag ugnayan din ang PPA sa Philippine Coast Guard (PCG) sakaling i-anunsiyo ang “No Sail Policy” sa mga lugar na lubhang maaapektuhan ng habagat upang limitahan ang pagpasok ng mga tao sa pantalan at tuluyang maiwasan ang pagdami ng mga stranded na pasahero.