Advertisers

Advertisers

Herlene napamura nang makasama ang veteran stars sa ‘Magandang Dilag;’ Inalok na host sa ‘Eat Bulaga’ ng Tape Inc.

0 123

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

NABANGGIT ni Herlene Budol sa presscon ng unang seryeng pagbibidahan niya sa GMA7 na Magandang Dilag, na may alok daw sa kanya ang Tape Inc. para maging host ng noontime show na Eat Bulaga.
Gayunman, hindi pa anya makasagot dito si Herlene dahil busy siya sa taping ng seryeng Magandang Dilag na magsisimula na sa June 26 sa GMA Afternoon Drama.
Samantala, tsinika ni Herlene na hanggang ngayon ay hirap pa rin daw siya na kabisaduhin nang basta-basta ang mga linya niya sa serye.
“Ang ginagawa ko po isinusulat ko sa yellow pad at saka ko mine-memorize,” sabi ni Herlene na napakaseksi sa kasuotan sa media conference.
Inihayag naman ng leading man sa Magandang Dilag na si Benjamin Alves na sumailalim anya sila sa workshop ni Herlene para mabuo ang chemistry sa pagitan nila. Naniniwala rin ang hunk actor na hindi ito ang huling leading lady role ni Herlene dahil sa dedikasyong ipinapakita nito sa trabaho.
Sey naman ng isa pang leading man na si Rob Gomez na hindi umano mahirap katrabaho si Herlene. Impressed din daw siya sa dalaga kaya madali silang nagkahulihan ng loob.
Pahayag naman ng kontrabida sa Magandang Dilag na si Maxine Medina, nag-iingat anya sila sa fight scenes nila ni Herlene para hindi magkasakitan bagama’t hindi rin naiiwasan na magkatamaan sila paminsan-minsan. Pero ang mahalaga raw ay nagso-sorry sila sa isa’t isa matapos ang take para hindi masira ang kanilang trabaho at pagkakaibigan.
Samantala, sinabi naman ng dalawang beteranang artistang sina Sandy Andolong at Chanda Romero na bilib sila sa pagbibigay ng atensyon ni Herlene sa kanilang serye. Hindi rin daw nawawala ang respeto at paggalang ng dalaga sa kanilang dalawa.
“Si Herlene ‘di mahirap mahalin. What you see is what you get. So real and honest din siya, magalang at buo ang pagbigay sa kanyang role,” ani Sandy.
Inamin naman ni Herlene na na-pressure umano siyang katrabaho sina Sandy at Chanda at halos mapamura na lang nang malamang makakasama ang mga ito sa Magandang Dilag.
Ang Magandang Dilag ay kuwento ni Gigi, hindi kagandahang babae pero positibo ang pananaw sa buhay. Magbabago ang takbo ng kanyang buhay nang pamanahan ng malaking halaga ng kanyang ama.
Kasama rin sa Magandang Dilag sina Bianca Manalo, Adrian Alandy, Angela Alarcon, Muriel Lomadilla, Jade Tecson, at Al Tantay sa natatanging pagganap.
Mapapanuod na ang Magandang Dilag mula sa direksyon ni Don Michael Perez simula sa Hunyo 26, Lunes-Biyernes, 3:25 pm sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits.