Advertisers

Advertisers

Magdyowa arestado sa buy-bust operation

0 141

Advertisers

KALABOSO ang magdyowa nang mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Baesa, Quezon City noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni PLTCOL. Mark Janis C. Ballesteros hepe ng Quezon City Police District station 3 Talipapa ang mga dinakip na sina Edison Javier, alyas Jing, 42, may-asawa, jobless, residente ng 531 Mendez Street, Brgy. Baesa, QC; at Judith Caling, 32, may-asawa, Tok Tok Operative at residente sa naturang address.

Ayon kay Cpl. Neil Christian Fresco investigator nadakip ang dalawa 11:30 ng gabi nitong nakalipas na Biyernes sa no. 531 Mendez Street, Brgy. Baesa, QC.



Sinabi ni Fresco na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban kay alyas Jing (Edison Javier) nang makatanggap ng impormasyon ang mga ito na sangkot ito sa iligal na droga sa lugar.

Dinakip din ang kasama ng suspek na si Judith na umano’y kasintahan nito na nahulihan din ng iligal na droga.

Nakuha mula sa mga suspek ang may tinatayang pitong (7) gramo ng iligal na droga na shabu na nagkakahalaga ng P47,000.00.

Kasalukuyan ngayon nakapiit ang mga suspek sa naturang himpilan at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">