Advertisers

Advertisers

Koreano, Pinay kulong sa ‘di pagbabayad ng higit P143K hotel bills

0 321

Advertisers

INARESTO ang mag-partner na negosyanteng Koreano at Filipina nang hindi mabayaran ang hotel bills sa Makati City nitong Huwebes, Hunyo 22, 2023.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director Brigadier Geneneral Kirby John Brion Kraft ang mga inaresto na kapwa negosyante na sina Meriniza Manalo, 41 anyos; at Changmu Lee, 51.

Base sa report na natanggap ni Kraft, dinakip ang mag-partner 12:00 ng tanghali sa hindi pinangalanang hotel na matatagpuan sa panulukan ng Ayala Ave. at Amorsolo St., Barangay San Lorenzo, Makati City.



Napag-alaman na nag-check-in ang dalawa sa hotel Hunyo 9, 2023 at nang mag-check out ang mga ito ng Hunyo 22, 2023 ay nagpakita ang mga ito ng screenshots ng kanilang online bank transfers bilang kabayaran ng kanilang bill na nagkakahalaga ng P143,337.36.

Sa kabila ng paulit-ulit na pagsasagawa ng beripikasyon ng finance department ng hotel sa kanilang bank accounts, walang naganap na transaksyon o kabayaran sa kanilang bill sina Manalo at Lee kaya sila pinaaresto.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 315 of RPC (Estafa/Non-payment) ang mag-partner na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Makati City Police.