Advertisers
GINAHASA at pinatay ang isang ginang sa lalawigan ng Cotabato.
Nakila ang biktima na si alyas Nika, 33, may asawa at residente ng Purok 8, Poblacion, Tulunan, North Cotabato.
Ayon kay Tulunan chief of police, Major Jun Napat, sinabi ng isa sa mga kaanak ng biktima na mag-isa lang ito sa kanyang bahay at naglalaba nang halayin at patayin ng kung sinumang demonyo.
Wala ang asawa ng biktima nang mangyari ang krimen, nagsasaka ito ibang lugar.
Matapos gahasain ang biktima, sinaksak ito ng maraming beses sa ulo at mukha.
May person of interest na ang Tulunan PNP sa krimen.(PFT team)