Advertisers

Advertisers

Promodizer huli sa 11 kilong marijuana

0 223

Advertisers

SWAK sa kulungan ang isang promodizer na kabilang sa ‘high value target’ nang mahulihan ng may 11.3 kilo ng marijuana sa Quezon City nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ang promodizer na si Jomari Basilio, 23, residente ng 181 Fernandez St., Brarangay San Antonio Del Monte, QC.
Ayon sa ulat, 6:50 ng gabi nang madakip si Basilio sa kanyang tahanan sa joint buy-bust operation ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO-NCR.
Nasamsam mula sa suspek ang 11.3 kilo ng marijuana na tinatayang aabot sa P1,356,000 ang halaga.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Boy Celario)