Advertisers
MAYPAJO, Lungsod ng Kalookan — Kasunod ng ulat ukol sa 40 area sa Pilipinas na “at high risk” sanhi ng global climate crisis, binigyang halaga ni Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz Sr. ang pagkakaroon ng mga partnership at pakikipagtulungan sa hanay ng mga climate stakeholder, partikular na ang mga local government units (LGU) at pribadong sektor, sa pagbuo at pagpapatupad ng mga hakbang sa mitigasyon at adaptation sa matitinding epektong nararanasan ngayon dahil sa climate change at global warming.
Sa naunang pahayag, nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga LGU, ang academe at iba pang mga stakeholder na pagpursigihang makamit ang kanilang targeted prioritization ng isang milyong ektarya ng mga classified forest area para sa afforestation at reforestation.
Ayon kay environment secretary Antonia ‘Toni’ Yulo-Loyzaga, malaki ang maitutulong ng mga partnership ng mga stakeholder para masuportahan ang buhay at kabuhayan ng mamamayan at mapabilis ang paghatid at pagpapatupad ng mga global commitment ng bansa tungo sa pagkakaroon ng kinabukasang may mababang carbon at kulay luntian at bughaw.
Bilang pagsuporta dito, tinukoy ni Commissioner Dela Cruz ang halaga ng implementasyon ng isang whole-of-nation at -community approach sa inisyatibo upang ang ating climate action ay matagumpay na makakatugon sa mga epekto ng climate change.
Nagpunta kamakailan ang opisyal sa Pagsanjan, Laguna para sa inagurasyon ng inisyatibo ng munisipalidad na transisyon mua sa paggamit ng landfill sa waste-to-energy (WtE) technology at nagsagawa din sila ng tree-planting activity kasama ang mga lokal na opisyal ng bayan sa pangunguna ni Mayor Cesar Areza at mga kinatawan ng waste management firm na PEDECO sa pamumuno nina executive director Maximino ‘Mike’ Camacho at business contractor Bimbo De Leon.
“This convergence will ensure that the goals of our community-based forest management started with the integrated social forestry program are fully realized. This had been established since the time of our president’s father, President Ferdinand E. Marcos Sr., and along with those of his son’s National Development Plan (NDP) for 2023 to 2028, this will be easily attained,” aniya.
Sa pagtatapos, idiniin ni Dela Cruz na ang ating forest cover o kagubatan ay ang life support ng ating bansa at kung wala ito, ang ating tubig, enerhiya at seguridad sa pagkain ay imposible nating makamit.
* * *
Para sa inyong mga reaksyon o mungkahi, reklamo at kahilingan, magpadala lang ng mensahe sa aking email na cipcab2006@yahoo.com.ph o kaya’y i-text lang ako sa cellphone number na 09171592256. Maraming salamat po at mabuhay!