Advertisers
DAPAT imbestigahan ng kongreso ang kontrobersiyal na pagsalakay ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa isang POGO hub sa Las Pinas City kamakailan, kungsaan kulang 3,000 empleyadong Pinoy, Chinese, Vietnames at Malaysians ang ni-“rescue” kuno ng mga operatiba.
Pero sinabi ng mga naturang empleyado na hindi sila ni-rescue dahil wala rin namang nagrereklamo sa kanila na sila’y minamaltrato o inaabuso sa pagtatrabaho nila sa naturang POGO company.
Ang tanging rason ng PNP-AKG sa pag-raid sa Xinchuang Network Technology Inc. na may tanggapan sa gusali ng Hong Tai Compound sa 501 Alabang, Zapote Road, Almanza noong Hunyo 26 (Lunes) ng gabi ay iligal ang operasyon ng naturang POGO hub.
Kung iligal ang POGO hub na ito, dapat may pahayag dito ang Securities and Exchange Commission (SEC).
Marami sa mga trabahador ang nag-post sa Facebook ng kanilang sama ng loob laban sa PNP-AKG. Isa nga sa mga post na viral ngayon sa FB ay ang post ni Princess Ghema Ross Barquin: “Grabe ang trauma na ginawa nyo sa amin, halos 24 hours ni pagkain, tubig pinagdamot nyo samin. nakiusap kami ng maayos sa inyo pero wala, nagbingi-bingihan kayo. Kinumpiska nyo pa cp namin kaya ni contact sa labas di namin nagawa, gigisingin nyo kami sa ng kahit anong oras, kasagsagan ng pagtulog kami, pipila kami sa labas na para kaming mga preso,ni pagsilip sa pinto ng dorm bawal gawin kasi ang sabi nyo ‘di makakain pag sumilip sa pinto. Isa kayo sa mga tinitingala namin noon pero isa kayo sa mga tumatrato na parang basura at parang preso sa amin na dapat kayo ang tumulong at nag-asikaso at umunawa samin. Mali ang binabalita nyo sa tv, hindi rescue ang ginawa nyo samin. hindi makatao yung ganung trato sa kapwa Pilipino.”
Isa lamang ito sa napakaraming post sa FB ng mga trabahador ng naturang POGO hub.
Sinasabi pang hinakot ng mga operatiba ang 124 vaults na puno ng pera na pampasueldo sa libu-libong trabahador ng kompanya.
Pati mga personal na gamit ng mga empleyado ay kinumpiska rin ng mga operatiba. Araguy!!!
Talagang ugali na ng mga pulis na kapag nang-raid ng establishments ay kinukumpiska lahat ng maaring mapakinabangan at maibulsa. Fuck!
Kaya nag-aatrasan ang mga banyaga magtayo ng negosyo sa bansa ay dahil narin sa napakasamang imahe ng ating pulisya.
House Speaker Martin Romualdez ay Senate President Migz Zubiri, dapat imbestigahan n’yo, alamin ang katotohanan sa nangyaring raid.
Daming Pinoy ang nawalan ng trabaho rito. Mismo!