Advertisers

Advertisers

Kim type nang mabura ang pagiging Pantasya ng Bayan; Paolo na-bash, lumalaki na ang ulo?

0 244

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NABA-bash  ngayon  ng mga netizen si Paolo Ballesteros  dahil  sa pag-walkout  daw nito sa taping  ng  sariling TV show  na  Bawal na  Game Show na napapanood sa TV5.

May  nagsabi  na  tila  lumalaki  na raw ang  ulo ngayon ni Paolo dahil may attitude na anya ito.



Ayon  sa  unconfirmed  report, nag-walkout  daw  ito sa nasabing  game show dahil  sa naging alitan  nito  sa security guard  na  ayaw  siyang  papasukin ng studio papunta ng set.

Imbes  na  papasukin  ay  pinagsabihan  pa raw  ng guard  si Paolo na sa  ibang  pasukan siya  pumasok o dumaan.

Kahit na nagtanggal na raw ng face mask at shield si Paolo para makilala ng guard ay hindi pa rin daw ito pinapasok. Tila hindi raw yata  ma-take ng TV host/comedian na hindi siya kilala ng guard kaya dinedma  at ayaw papasukin.

Kaya sa inis  daw ni Paolo ay nagdesisyon na lang na hindi na pumasok at magreport sa taping ng sariling show.

Ayon  sa production ng  show ay hindi raw nakilala  si Paolo  ng  guard  dahil  bago  itong  naatasan  magbantay  sa studio.



Tinawagan  daw  ng  production  si  Paolo pero hindi raw sumasagot  ang actor/TV host.

Samantala, bukas  ang  pahina  namin  para  sa sagot ni  Paolo.

***

GUSTO  nang mabura ni Kim Domingo ang image na Pantasya ng Bayan kaya  unti-unti na siya nagli-lielow sa pagpapaseksi  sa project na natatanggap.

Maging  sa pagiging mainstay ng longest  running gag show sa telebisyon na Bubble Gang ay hindi na siya gaanong nagpapaseksi although nandoon pa rin ang naughty  role para magpatawa at hindi para magpainit ng dugo ng mga barako.

Binabawasan  ni Kim ang mga sexy role mula nang nakasama  niya si Marian Rivera sa Super Ma`am  na  isang fantasy serye na nagkaroon  siya  ng  mga  fan  na  bata.

“Nagkaroon  po ako  ng  mga  fans  na  mga  bata  na nakaka-appreciate  sa  akin,  kaya  doon  ko  naisip  mag-lielow  sa mga  sexy  role na  ginagawa ko,”  say ni Kim sa kanyang vlog.

“Ang  sarap  pala  sa feeling na  hindi  lamang   puro lalaki ang nakaka-appreciate   sa iyo,  kaya  nag-decide  akong  gusto ko  namang  mapansin   nila ang  talent ko  bilang actress.”

Kahit na  desidido na si Kim layasan ang image na pagiging Pantasya ng Bayan ay nananabik na ang kanyang mga barakong followers  na makita at mapanood pa rin siya  Bubble Gang kasama ng mga sexy ring actress na sina Andrea Torres, Valeen  Montenegro at iba pa.