Advertisers

Advertisers

Clean Air Act ipatupad nang wasto… BONG GO: POLUSYON SA HANGIN, TALAMAK

0 147

Advertisers

NANAWAGAN si Senador Christopher “Bong” Go, tagapangulo ng committee on health, sa pamahalaan na higpitan ang pagpapatupad ng Republic Act No. 8749, mas kilala bilang Clean Air Act.

Sa isang panayama matapos tulungan ang mga residente ng Tanauan City, sinabi ni Go na sobra siyang nababahala sa talamak na problema sa polusyon sa hangin sa bansa.

“Mayroon na po tayong batas, ang RA 8749 o Clean Air Act, na nagbibigay ng mandato sa ating DENR (Department of Environment and Natural Resources) na ipatupad ang mga pamantayan sa kalidad ng hangin batay sa mga pamantayan ng WHO (World Health Organization). Air pollution is just tulad ng iba pang polusyon, ito ay isang seryosong alalahanin sa kalusugan,” sabi ni Go.



Binigyang-diin ng senador na sa kabila ng batas ay nananatiling hamon ang pagpapatupad nito.

“Ang polusyon ng hangin ay katulad ng iba pang polusyon, ito ay isang seryosong suliranin sa kalusugan. Ako po bilang chairman ng committee on health, mahalaga sa akin ang buhay at kalusugan ng bawat Pilipino,” ayon kay Go.

Sinabi ni Go na maraming mga sakit na nauugnay sa paglanghap ng maruming hangin, na sa kasamaang-palad ay nakakaapekto sa mga mahihirap na Pilipino na sobrang lantad sa polusyon dahil sa kanilang pamumuhay at kalagayan sa ekonomiya.

Ayon sa senador, maraming sakit na ang nagiging sanhi ay mula sa paglanghap ng maruming hangin, tulad ng ubo, TB, pneumonia, asthma, at lung cancer, lalo na sa mahihirap na mas nakararanas ng exposure. Sila ‘yung mga natutulog sa kalye, kung saan nila nalalanghap ang maruming hangin,” anang senador.

“Napakahalaga po na ang hangin na nalalanghap ng ating mga kababayan ay malinis. Hindi katulad ng tubig, ang tubig naman po ay madaling ma-filter, mayroon tayong bottled water, mayroon tayong water treatment,” paliwanag ng mambabatas.



Isinasaad ng World Air Quality Report 2022 mula sa IQAir na ang kalidad ng hangin sa Pilipinas ay nagpakita ng pagbuti sa panahon ng COVID-19 lockdown noong 2020 dahil sa mga nabawasang emisyon.

Gayunpaman, nang alisin ang mga paghihigpit ay nagkaroon ng pagtaas sa konsentrasyon ng PM2.5 na mga pinong particle sa hangin.

Sa kabila ng bahagyang pagbuti, ang konsentrasyon ng PM2.5 particle sa hangin sa Pilipinas ay nanatiling tatlong beses na mas mataas kaysa sa safety threshold na itinatag ng WHO.

Dahil dito, idiniin ni Go na mahalaga na maipatupad nang maayos ang batas tulad ng Clean Air Act.