Advertisers

Advertisers

SWIMMING SA PUSO NI CONG. BUHAIN

0 158

Advertisers

TUNAY na nananalaytay sa dugo at dama sa kaibuturan ng puso ni Batangas 1st. District Rep. Eric Buhain ang larangan ng swimming na may pinakamalaking bahagi ng kanyang buhay.

Magmula sa kanyang kabataang nakapagbibigay siya ng pride sa kanyang paaralan bilang varsity swimmer hanggang sa makapag-alay na ng medalyang karangalan sa bansa ay born – winner ang Philippine Sports Hall of Famer hanggang sa maging isang public servant ay patuloy niyang kinalinga bilang COPA president ang larangang alam niyang makakapa- excel ang Pilipino sa international competitions basta sa tamang programa at pagkakaisa.Naging instrumental ang dating GAB at PSC chairman sa pagkakabuo ng napira-pirasong samahan ng swimming sa bansa.

Matagal na pakikibaka pero ang mahalaga ay buo na ngayon ang asosasyon sa bansa at nasa mabuting kamay na ang may timon kabilang siya bilang secretary – general katuwang ng pangulong si Mico Vargas sa PSI.



Sumilay ang pag-asa sa lahat ng swimming enthusiasts sa pagkakaroon ng tamang direksiyon sa Philippine swimming na tiyak nang magbubunga ng ginintuang tagumpay sa hinaharap.

Sunud- sunod na ang aksiyon sa pool mula sa mga kabataan hanggang elite kaya isang pagpupugay ang ating ibibigay sa pamunuang Buhain- Vargas. MABUHAY PSI!

Samantala, nasa 440 swimmers – 180 babae at 260 – mula sa 66 swimming clubs ang nagpatala para sumabak sa National tryouts Luzon qualifying para sa Southeast Asia Age Group Championship sa Hulyo 7-9 sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Vito Cruz, Malate, Manila.

Ayon kay event organizer coach Chito Rivera na gagamiting qualifying standard time sa lahat ng events sa naturang tryouts ang 5th place winning time sa nakalipas na SEA Age-Group tournament na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang 2023 edition ng SEA Age Group Championship ay gaganapin sa Agosto 24-26 sa Jakarta, Indonesia.



“During our meeting, PSI Secretary General Rep. Eric Buhain suggested na yung 5th place time ang gamitin nating qualifying time standard para mas mabigyan natin ng chance ang mga bata na alam naman nating karamihan ay hindi nakapag-participate sa ganitong tryouts before,” pahayag nin Rivera.

“Yung hinahanap ng ating mga swimming leaders sa buong bansa na transparency and inclusivity ay sinigurado ni PSI president Miko Vargas na matitikman ng lahat. Kaya we’re inviting all swimming clubs regardless of affiliation na isali ang kanilang mga swimmers para makakuha ng pagkakataon na mapasama sa Philippine Team,” aniya.

Iginiit ni Rivera na ang mga swimmers na hindi pinalad na makalagpas sa qualifying standard time ay may pagkakataong pang bumawi sa nakatakdang National tryouts for Luzon at Visayas na magkasabay na isasagawa sa Hulyo 21-23 sa Ilocos Norte at Dumaguete City, ayon sa pagkakasunod, habang ang Mindanao leg ay nakatakda sa Hulyo 22-23.