Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
AYAW ng nega ng Jalosjos siblings (Cong. Jonjon, Mayor Bullet at Soraya) ng TAPE INCORPORATED at ng kanilang mga host sa Eat Bulaga na kinabibilangan nina Yorme Isko Moreno, Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Alexa Miro, atbp. Look, dahil sa GOOD VIBES na hatid ng EB na ang goal ay magpasaya at tumulong sa kanilang home viewers at live audience at mamahagi ng cash sa iba’t iba nilang segment. Araw-araw ay dinudumog talaga sila sa APT STUDIO sa #28 Marikina Infanta Highway, Cainta, Rizal at sa iba’t ibang barangay, kung saan namumudmod araw-araw ng tulong financial ang Eat Bulaga sa kanilang “G SA GEDLI” para sa mga kababayan nating sinusubok man ng panahon ay patuloy na lumalaban sa buhay.
Sina Yorme Isko at Buboy ang tandem sa segment na ito na nagkakaloob ng puhunan sa maliit na negosyo at may pang-date pa. Tulad ni Kuya Eddie na nagtitinda ng iba’t ibang fresh fruits sa kalye for 35 years. Hayun, nabiyayaan siya ng tulong para sa puhunan na P10K plus pambayad sa kuryente at pang mall nila ng kanyang misis at walang anak na another 5,000.
Yes, ganyan ka-generous ang mga Jalosjos na gustong makatulong sa marami nating kababayan. Daily ay may iba’t ibang pakontes para sa live audience na libu-libong piso ang papremyo at sa homeviewers nariyan ang Watch Copy Post sa “DANCE PA MORE” na tatlo ang pwedeng manalo ng tig P5K each.
At ang “QR QR” o QUICK QUICK RESPOND REWARD kaya Watch na sa TV at Scan Na All. At wow bongga, wagi rito ng tumataginting na P10OK ang stick vendor from Caloocan City na si Nanay Fatima Abaigar.
Yes, sa Eat Bulaga tuluy-tuloy ang Tulong at Saya. At hayan dahil sa entertainment at public service na hatid sa mga Dabarkads, good karma ang mga Jalosjos na tatlong araw nang tinatalo sa ratings ang katapat sa GTV 11 na I’ts Showtime at patuloy naman sa pagbagsak ang rating ng ‘E.A.T” ng TVJ sa TV5.
At narito ang naitalang ratings ng tatlong noontime show base sa survey ng AGB Neilsen Philippines, July 1 E.A.T- 8.4%, EAT BULAGA-2.62% and It’s Showtime 3.94% July 3 EAT-6.3%, EAT BULAGA-3.3% at Showtime na 2.9%. Lalo pang tumaas ang rating ng EAT BULAGA last July 4 na nagtamo sila ng 3.9%, ang E.A.T ay bumaba uli sa rating na 5.0% at pinadapa uli ng Eat Bulaga ang It’s Showtime sa rating nito na 3.1% lang.
Well, ang bayan na ang humusga. Saka walang nangyaring pasaring na inaasahan ng iba lalo na ng mga marites at kinongratulate pa nga ni Yorme Isko sina Tito, Vic at Joey sa kanilang bagong tahanan. Malaki ang respeto ni Yorme sa iconic trio. Si Paolo Contis ay winelcome ang It’s Showtime sa GTV 11. Talaga namang positivity mood ang nakita noong July 1 sa EB hosts.
Ito naman kasi ang dapat, dahil pare-pareho naman sila ng goals, “ang mapasaya ang mga manood.”
At saka good karma ang mga Jalosjos dahil ang concern nila ay makapagpasaya at makatulong sa mga kababayan nating kapos sa buhay.
By the way, ang kilalang pretty lawyer na si Atty. Maggie Abraham ang legal counsel ng mga Jalosjos at Eat Bulaga. Pagdating sa usaping legal ay siya ang nagha-handle nito lalo na pagdating sa copyright ng titulong “EAT BULAGA!”
***
SOBRANG successful ang “BALIK SAYA 2023” sa Kuwait na handog ng DMW OWWA headed by Admin Arnel Ignacio at ng INFINITY EVENTS MANAGEMENT para sa mga kababayan nating OFW.
Malaking factor sa tagumpay ng event na ito na ginanap noong June 30 sa Crowne Plaza Hotel sa Kuwait ay dahil sa mga sikat nilang guest artists na mag-sisters na Marion Aunor at Ashley Aunor a.k.a Cool Cat Ash with Sheyrn Regis. The best ang audience sa said event, madidinig talaga sa upload video na tinitilian at pinapalakpakan ang performance ni Marion lalo na ng kantahin nito ang iconic na “PARALUMAN: ANG HULING EL BIMBO” ng Eraseherheads at si Cool Cat Ash naman ay sobrang galing sa version niya ng “RADIO GA GA” ng Queen.
Maliban sa parehong mahusay na concert performers, ang maganda sa mag-sisters (Marion and Ashley), while performing ay nakikipag-inter act talaga sila sa kanilang audience. Ganyan naman talaga dapat para lalong mag-enjoy ang crowd.
Yes, bukod sa OFW GOT TALENT na siyang main event ng BALIK SAYA 2023 ay grabe ang response ng mga kababayan natin kina Marion, Cool Cat Ash at Sheryn. Napakainit talaga ng pagtanggap sa tatlo kaya very proud si Ma’am Maribel Aunor habang pinapanood sa harapan ng stage ang kanyang both talented artist daughters. Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa na pinapalakpakan at sinasabayan ang mga anak mo habang sila’y nagpe-perform. Nagpapasalamat pala sina Marion at Cool Cat Ash sa lahat ng mga dumalong media correspondents (broadcaster, print media at vloggers) na dumalo sa kanilang presscon at siyempre sa lahat ng nanood ng kanilang matagumpay na show sa Kuwait.
Dinumog ang magkapatid ng mga nagpakuha sa kanila ng pictures. Infairness, pinagbigyan naman nila lahat. At na-enjoy rin nina Maribel at Cool Cat ang kanilang stay sa Crowne Plaza Hotel.
Samantala, para sa fans and supporters ni Marion, may gagawin uli itong movie sa Viva Films at start na sila ng shooting this July. Yes, both in-demand sina Marion at Cool Cat Ash at deserve naman nila ito dahil pareho nilang love ang kanilang craft o showbiz career.