Maynila, bukod tanging may 4 na world-class science lab sa public schools
Advertisers
BUKOD tanging ang Maynila lamang ang nag-iisang lungsod sa buong National Capital Region o NCR ang nakapagtatag ng apat na world-class science laboratories para sa mga public school students.
Ito ang inulat ni reported Mayor Honey Lacuna sa kanyang state of the city address (SOCA), kung saan nangako siya na maglalagay pa ng mas maraming pasilidad hangga’t ang bawat isang distrito ay magkaron ng sariling high-tech science laboratories.
“Bukod-tanging tayo lamang sa National Capital Region o sa buong bansa ang nakapagpagawa ng apat na world-class science labs at madagdagan pa ito upang bawat distrito may kanya-kanya,” ipinagmamalaking pahayag ng alkalde.
Ibinunyag din ni Lacuna na ang bagong pasilidad ay mapapakinabangan na rin ng mga mag-aaral sa malapit ng matapos na newly-constructed Manila Science, Albert at Manila High School, na kaugnay sa kanyang prinsipto na pagkalooban ng pasilidad na tulad sa pribadong paaralan ang mga mag-aaral ng publikong paaralan sa Maynila.
“Bawat estudyante, dapat may oportunidad sa de kalidad na edukasyon,” pagbibigay diin ni Lacuna.
Inanunsyo din ng lady mayor na magkakaroon ng mobile libraries upang dalhin ang city government’s public library sa mga estudyante sa kanila mismong komunidad.
Ipinagmalaki din ni Lacuna na ang city-run Universidad de Manila (UdM) sa ilalim ng panguluhan ni Felma Carlos-Tria, ay natamo na ang Level 1 accreditation mula sa Association of Local Colleges and Universities para sa 18 academic programs.
Ang UdM, dagdag pa niya, ay patuloy na kinikilala bilang top performing criminal school sa NCR sa loob ng nakalipas na mga taon at palaging nangunguna sa terms of passing rates sa licensure, nursing, physical therapy at law.
“Ito ay isang testament sa ating ibinabahaging layunin at mandato ng de kalidad na edukasyon tungo sa kahusayan sa akademya,” Lacuna said. (ANDI GARCIA)