Advertisers

Advertisers

Tigilan na raw ang ilusyon…Claudine balak idemanda si Sabrina M sa pagkalat na naging dyowa si Rico

0 268

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA vlog ng talent manager na si Ogie Diaz at kanyang kasamahan ay naging pulutan ang nagbabalik na si Sabrina M.
Di raw kinaya ni Ogie na sabihin at ipangalandakan ni Sabrina na siya ang huling dyowa ni Rico Yan after Claudine Barretto.
Eh March 29, 2002 nang mamatay si Rico at after 21 years lumantad at nag-iilusyon daw si Sabrina na naging bf si Rico.
Maraming nakakaalam na si Claudine ang huling gf ni Rico.
At ang kakaloka pa ay nung libing daw ni Rico ay binigyan pa siya ng bulaklak ni Bobby Yan para ilagay sa nitso.
Bulalas ni Ogie eh nandun siya nung araw ng libing, siya nga raw ang nagpapalahaw ng iyak at di nabigyan ng bulaklak.
Patotoo pa ng talent manager na hindi niya nakita si Sabrina sa libing ni Rico.
Kaya tigilan na raw ang ilusyon at ang paggamit sa tao lalo na sa patay na na di madedepensahan ang sarili.At ang kakaloka pang banat ng manager, hindi naman daw kikita ang pelikula nitong si Sabrina na gumamit pa ng patay.
Naku, tila nakikipag-usap na si Claudine sa abogado regarding this na nagke-claim na naging dyowa siya after 21 years na wala na si Rico ay lumantad.
***
TVJ binura na…
Isko at Paolo, happy at magiging bahagi sa 44th Anniv ng Eat Bulaga
WALANG pagsidlan ng tuwa ang dalawang main host ng Eat Bulaga na sina Isko Moreno at Paolo Contis.
May tatlong dahilan kung bakit walang patid ang kasiyahan ng dalawa.
Una na nga ang pagpirma nila ng long term contract sa TAPE Inc.
Pangalawa ay mataas pa rin ang rating ng Eat Bulaga sa kabila na umalis na ang TVJ.
Pangatlo ay itong nalalapit na 44th Anniv ng Eat Bulaga.
Maipagmamalaki na ng dalawa na naging bahagi na sila sa longest running noontime show na Eat Bulaga.
Kaya naghahanda na ang lahat lalo na sina Isko at Paolo.
Pero di na nga sa July 30 iseselebreyt ang 44th year ng Bulaga na siyang nakasanayan at binago at pinalitan na nga ang petsa at sa July 29 na ito magaganap.
Ito na kaya ang simula ng pagbura ng TAPE sa alaala ng TVJ?
Kahit may mga parunggit ang kabilang kampo ay tuloy ang ligaya.
Well, well, well…’Yun na!