Advertisers

Advertisers

Julie Anne kinilig nang haranahin ni Rayver

0 215

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA guesting ng JulieVer sa vlog ni Bea Alonzo, naibahagi ni Julie Anne San Jose kung bakit nagma-match ang kanilang mga personalidad ng boyfriend niyang si Rayver Cruz.
Ayon sa Kapuso singing sweetheart, sobrang bait at gentleman daw ng kanyang nobyo.
Katunayan, sobra raw marespeto nito sa mga babae, bagay raw na ina-admire niya sa boyfie.
Sey naman ni Rayver, si Julie Anne raw ang pinaka-hot na babae para sa kanya.
Sa digicon naman ng kanilang upcoming movie na “The Cheating Game” ipinaliwanag ng actor kung bakit isang ‘hottie’ sa kanya ang Asia’s Limitless Star.
“Totoo naman, eh. Sinabi ko sa vlog ni Bea. Si Jules naman talaga ang pinaka-hot na babae for me kasi nga, I mean, hindi lang siya iyong…Pag sinabi mo kasing hot, iisipin mo agad na sexy siya, hot, pero hindi ganoon. Kaya siya naging hot, bonus na lang iyon…meron din siya noon. Pero para sa akin, kaya siya nagiging hot kasi iyong heart niya napakabuti. Napaka- genuine ng puso niya kaya ako araw-araw na nai-in love sa kanya dahil sa pagkatao niya,” lahad ni Rayver.
Sa kaso naman ni Julie Anne, hindi naman niya ikinaila na she finds Rayver hot, too.
Ang kabaitan daw ng boyfie ang itinuturing niyang katangian nito na biggest turn on sa mga kababaihang tulad niya.
“Kindness is hot.Totoo naman talaga kasing napakabuting tao ni Ray. It just shows kasi how he treats me. How he treats his family, his friends and his workmates and everybody that surrounds him. Talagang ano eh, nagreresonate kasi iyong good vibes and the charm. I think, bonus na lang talaga roon ang good looks. Guwapo naman talaga si Ray.Hahaha! But yeah, it’s really the mind and the heart,” paliwanag ni Julie Anne.
Dagdag pa ni Rayver, ikinukunsidera raw niyang mapalad ang sarili dahil dumating sa buhay niya ang almost perfect na babae.
Naikuwento rin niya ang positive effect ni Julie Anne sa kanya.
Noon daw kasi aware siyang may musical talent siya pero hindi niya ito nagagamit dahil kulang siya sa kumpiyansa.
Aniya, nakatulong daw ang nobya na mailabas niya ang talentong ito.
First time rin daw niyang kinantahan o hinarana ang isang babae dahil sa inspirasyong dulot ng nobya sa kanya sa pag-amin niya kay Bea.
Deklara naman ng singer-actress, halos natunaw daw siya sa ginawang iyon ni Rayver na never pa niyang naranasan sa ibang lalake.
Hirit naman ni Julie Anne, na-inspire raw siyang maigawa rin ng awitin ang nobyo na saulado na nito ang lyrics sa ngayon.
Ang reel and real sweethearts na JulieVer ay malapit nang mapanood sa edgy genre-bending romance na “The Cheating Game”bilang mga bida.
Ito ay kuwento ng isang NGO worker at young businessman na pinagtagpo ng tadhana na parehong biktima ng panloloko ng kanilang mga karelasyon.
Tampok din sa supporting cast sina Martin del Rosario, Winwyn Marquez, Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Phi Palmos, Thea Tolentino at Paolo Contis.
Mula sa produksyon ng GMA Public Affairs at GMA Pictures at sa direksyon ni Rod Marmol, ang pinakaaabangang pelikula ay mapapanood na sa mga sinehan sa buong bansa simula sa Hulyo 26.
Ayon naman sa bagong hirang na Senior Vice President for GMA Pictures na si Nessa Valdellon, ang “The Cheating Game” ang isa lamang sa exciting treats na kailangang abangan ng mga manonood ngayong muli na namang aktibo ang kumpanya sa paggawa ng pelikula.