Advertisers
ALAM ng Tsina na talo sila sa usapin ng pangakamkam sa halos kabuuan ng South China Sea. Natalo sila sa sakdal na iniharap ng Filipinas sa Permanent Arbitration Commission ng United Nations Conference on the Law of Seas (UNCLOS). Sa desisyon ng UNCLOS na inilabas noong 2016, kathang isip lang ng Tsina ang Nine-Dash Line Theory bilang batayan ng kanilang iginigiit na sila ang may-ari ng South China Sea. Ibinasura ito ng UNCLOS at nagging bahagi ng international law ang desisyon kung saan lumabas na katawa-tawa ang China.
Pero hindi itinapon ng Tsina ang puting tuwalya bilang tanda ng pagsuko. Pilit na iginigiit na kanila ang South China Sea kahit pinagtatawanan ng buong mundo ang bansang haragan sa kumunidad ng mga bansa. Isa lang ang paliwanag diyan ayon kay Henry Bersuto, sugo ng Filipinas sa Turkiye. Umaasa ang Tsina na magbabago ng isip at aktitud ang mga karatig bansa na nakapaligid sa Tsina – at lalo ang Filipinas.
Sa isang panayam sa programang “Facts First,” ipinaliwanag ni Bersuto kay Christian Esguerra, program host, inaasam ng Tsina sa dakong huli na magbago ang aktitud ang mga karatig bansa dahil ito na lang ang tanging paraan upang tuluyan nila maigiit at maangkin ang malaking bahagi ng South China Sea. Ito rin ang dahilang kung bakit hindi dapat magbago ang Filipinas at patuloy na igiit ang panalo sa arbitration commission ng UNCLOS, ani Bensurto.
Isa si Bensurto sa mga inatasan na mga opisyal ng noo’y DFA secretary Albert del Rosario upang tingnan kung ano ang maaaring remedyo sa panunuwag ng Tsina sa Filipinas sa kukamkam sa teritoryo ng huli sa West Philipine Sea. Isa si Bensurto sa nagrekomenda sa mga opisyales ng DFA na magsampa ng sakdal laban sa Tsina sa arbitration commission ng UNCLOS. Nanalo ang Filipinas sa sakdal kahit hindi kinilala ng Tsina ang desisyon.
Mahalaga ang desisyon dahil tinalakay kung ano ang pagkakaiba ng bato (rocks) at lupa (land) bilang batayan ng lawak ng teritoryo ng isang bansa sa karagatan. Ayon kay Bensurto, nilinaw ng desisyon na pag-aari ng Filipinas ang aabot sa 540,000 square kilometers nakaragatan sa West Philippine Sea na sapilitang kinakamkam ng Tsina.
Nawalan ng matwid ang Tsina upang angkinin ang karagatan, ani Bensurto sa panayam. Ang nakakatawa ay walang bansa na naglakas loob na suportahan ang Tsina sa kanilang posisyon tungkol sa isyu, aniya.
Hindi madali sa Filipinas na harapin ang panunuwag ng Tsina noong umupo sa PNoy noong 2010. Walang bansang kumampi sa Filipinas bago isampa ang isyu sa UNCLOS. Ngunit nang isampa, lumakas ang loob ng mga karatig bansa na unawain ang ating posisyon at katwiran, aniya. Nagsulputan ang Estados Unidos, Japon, kasaping bansa ng ASEAN, at mga bansang Europeobilang mga tagasuporta sa international community, aniya. Hindi na nag-iisa ang Filipinas hanggang bumabaa ang desisyon noong 2016.
Hindi binanggit ni gaputok ang pangalan ni Gongdi sa isang oras na panayam kay Bensurto. Malinaw na hindi nagustuhan ni Bensurto ang naging posisyon ni Gongdi. Sa paliwanag ni Esguerra sa pagtatapos ng panayam, isa sa mga magaling na opisyal ng DFA si Bensurto na ikinahon ni Gongdi noong siya ang pangulo.
***
KASALANAN ni Gongdi kung bakit abusado ang mga Tsino sa pakikitungo sa Filipinas at mga Filipino. Pinamihasa ni Gongdi ang Intsik na maling paniniwala na kampi tayo sa kanila. Hindi totoo iyan at ang totoo ay sukang-suka tayo sa kanila. Labis ang pagkasuklam natin sa mga Intsik dahil sa maling paniwala na ibinando ni Gongdi.
May pananaw ang mga Intsik na lalawigan tayo ng Tsina. Isang malaking kalokohan at kung batid lang ni Gongdi ang kasaysayan, hindi tayo nasakop ng mga Intsik. Ang mga Instik na pumunta sa Filipinas ay mga tulisang dagat na pinatay ang ating kalalakehan, ginahasa ang ating kababaehan, at ninakaw ang mga bata upang ibenta bilang alipin sa ibang bahagi ng Asya. Hindi kailanman naging totoo ang akala ng mga Intsik sa kasaysayan.
Noong 2017 noong si Gongdi ang nakaluklok sa Malakanyang, ipinatigil niya ang patrulya ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa Philippine Navy sa West Philippine Sea. Hindi naunawaan ng PCG at PN kung bakit ipinatigil ang kanilang trabaho. Huli ng nalaman nila ang nakakagimbal na katotohanan. Nagtayo ng mga base militar ang Tsina sa mga kontrobersiyal na isla sa West Philippine Sea.
Pinakamaigi na nagbalik muli ang Estados Unidos sa South China Sea. Nariyan ang kanilang sasakyang pandagat upang magbantay sa plano ng Tsina na sakupin ang ibang bansa tulad ng Filipinas. Maigi at binigyan ng ngipin ang EDCA at nagbalik ang mga base ng Amerikano sa bansa. Pangontra ang mga iyan sa pang-aabuso ng Tsina.
Ngayon, naglisaw ang mga sasakyang pandagat ng Chinese maritime militia sa West Philippine Sea. Marapat lang na maghanda tayo sa mga plano ng mga Intsik na sakupin ang ating bansa. Hindi kanila ang Filipinas at anumang bahagi ng bansa, sa maikli. Lalaban tayo sa mapanlupig na mga Intsik. Ipagtatanggol natin an gating sarili.
Marapat na kilalanin natin ang mga taksil na natatawa pa kapag ibinenta tayo sa Tsina. Marapat alamin natin ang mga Makapili sa ating bansa. Marapat na ibisto sila sa publiko. Ano ang masasabi ni Gongdi, Robin, Bong Go, Bato, at Francis Tolentino?
***
HINDI palamuti ang Commission on Human Rights (CHR) sa Saligang Batas. Mayroon itong mahalagang pakay at napulot ang mga sumusunod sa social media bilang paliwanag:
“In a government run by murderers, mad men, and their loyal but unthinking minions, the Commission on Human Rights (CHR), a constitutional office enshrined in the 1987 Constitution, is a major stumbling block to their pursuit of a spate of extrajudicial killings (EJKs). Defined by the Constitution as an independent body and, hence, separate and distinct from the three major branches of government, CHR is the conscience of the government.
It functions as the brake against the wanton tendencies of the Executive to violate the human rights of every citizen.
“It is empowered to run after human rights violators, whether they are political leaders, men and women in uniform, or ordinary citizens.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: Pinoy English is vogue. Goods that are bought on installment basis are said to be bought in ‘tears.’ Every installment is called a ‘give.’ Americans and Britons don’t use graft and corruption, or fiscalizer. There is also no such thing as ‘shortime’ among the hotels in U.S. and Europe. Besides, they go shopping in a mall, but it is not ‘malling.’ Any other Pinoy English words do you know aside from ’salvaging,’ or ‘presidentiable’?” – PL, netizen, kritiko
***
Email:bootsfra@yahoo.com