Advertisers

Advertisers

Malakas na ulan hindi naging hadlang sa BJMP tree planting

0 82

Advertisers

HINDI naging hadlang sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang malakas na ulan kanilang tree planting activity bilang bahagi ng selebrasyon sa ika-32 anibersaryo ng ahensya kahapon sa La Mesa Watershed Nursery sa Quezon City.

Pinàngunahan ni BJMP Chief, Director Ruel Rivera ang nanguna sa pagtatanim ng mga karagdagang philippine native trees na malaking tulong para sa watershed conversion at rehabilitation.

Kasama ni Rivera sa aktibidad sina Deputy for Administration JCSUPT. Dennis Rocomora, at Comptroller chief Rinco Montaus gayundin ang mga representante ng DENR.



Napagalaman na kahapon ay nakumpleto na ng BJMP na makapagtanim ng 58,000 na mga tree seedlings sa buong bansa na nag-umpisa pa noong taong 2012.

“With this tree planting initiative, I would to assure the public and the DENR that the BJMP is a dedicated environmentalist” pahayag ni Rivera.

Hinimok ni Rivera ang lahat ng mga regional office, provincial office kasama rin ang mga jail units na maging bahagi ng kampanya ng ahensya na pangalagaan ang kalikasan.

‘Naging panata na po ng BJMP na makibahagi sa mga panglikasan na aktibidad. We are not simply tree planters but growers of them” saad pa ng BJMP chief.

Samantala naroon din sa lugar ang mga tauhan ng BJMP National Capital Region (NCR) sa pangunguna ni NCR Director JCSUPT Efren Nemeño upang makibahagi sa pagtatanim ng mga tree seedlings.



Ang nasabing aktibidad ay bahagi na rin sa nalalapit na pagdririwang ng 32nd anniversary ng BJMP ngayong darating na araw ng Sabado (July 15, 2023). (Almar Danguilan)