Advertisers

Advertisers

Maynila, ‘Best Practices on Ecological Solid Waste Management’ – DENR

0 131

Advertisers

NANAWAGAN si Mayor Honey Lacuna ng suporta sa lahat ng city officials, kawani at residente ng Maynila upang mapanatili ang pagkilalang natanggap ng lungsod mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Environmental Management Bureau bilang lungsod na may ‘Best Practices on Ecological Solid Waste Management.’

“May direktang ugnayan ang tao sa kapaligiran kaya’t napakahalaga rin ng ating gampanin na kalingain ang kalikasan,” giit nito.

Ang pagkilalang iginawad ng DENR, ayon kay Lacuna, ay sinundan ng pagbubukas ng Materials Recovery Facility (MRF) na matatagpuan sa Manila Zoo.



“Layunin nito (MRF) na palakasin ang pangkalahatang paglinis ng dumi ng lungsod sa pamamagitan ng pagpo-proseso ng mga ‘recyclable’ at ‘biodegradable’ na basura,” paliwanag ni Lacuna.

Sa kabila ng iba’t-ibang hamon na kinakaharap ng lungsod sa ginagawa nitong paglilinis, sinabi ng alkalde na ang lungsod ng Maynila ay naging matagumpay upang makamit ang pagkilala bilang highly- compliant pagdating sa “Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation.”

Ito, ayon sa kanya ay resulta ng araw-araw na paglilinis na ginagawa at deployment ng mga BASECO Beach Warriors, Estero Rangers at Team Mandaragat ng pamahalaang lungsod na nasa ilalim ng department of public services sa pamumuno ni Kayle Nicole Amurao.

Sinabi pa ni Lacuna na ang focus ng local government ay hindi lamang sa pagpapanatiling malinis ang buong lungsod, kundi pati na rin ang paglilinis ng mga masasamang elemento, lalo na ng mga may kaugnayan sa illegal drugs.

Sinabi ni Lacuna na nagagawa ito sa pamamagitan ng enhanced police visibility sa mga strategic locations sa loob ng lungsod ng Maynila.



Isa pang nakakatulong dito ay ang epektibong paggamit ng mga pasilidad ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa ilalim ng direktor nitong si Director Arnel Angeles, partikular ang MDRRMO Command Center, sa pagmo-monitor ng mga kaganapan sa iba’t-ibang bahagi ng Maynila, dagdag pa ng alkalde.

“Pagpapahalaga sa kalikasan, kalinisan, kapayapaan at kaayusan ang susi sa patuloy na pag-unlad ng isang bayan,” giit ni Lacuna. (ANDI GARCIA)

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.