Advertisers

Advertisers

Mas pinahigpit na presensya ng kapulisan sa paligid ng airport, pinanawagan ni Tansingco

0 64

Advertisers

NANAWAGAN si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa mga local law enforcement agencies na higpitan ang seguridad sa paligid ng airport bilang tugon sa kampanya ng bansa laban sa human trafficking.

Ginawa ni Tansingco ang panawagan matapos na mapansin na marami sa mga biktima ng trafficking ay nagsasabi na ang kanilang mga dokumento ay ibinibigay lang sa kanila sa mismong establishment ng airport complex.

“Hindi na dapat sila umaabot dito. Bago makarating ng airport ang biktima, ang dami nang pinagdadaanan. Recruited via social media, magbabayaran via wire transfer, tapos mag-aabutan ng pekeng dokumento sa labas ng airport,” pahayag ni Tansingco.



“We all have to open our eyes because it’s happening right under our noses,” ayon pa dito.

Iminungkahi ng hepe ng BI na palakasin ang presensya ng mga undercover police sa paligid ng airport premises upang matukoy ang mga traffickers na madalas na nasa lugar.

“Iisa ang modus, paulit-ulit lang naman, at sa iisang lugar din sila nagkikita,” sabi ni Tansingco.

“To stop trafficking, you have to yank it from its roots and stomp on it hard,” dagdag pa nito.

Nauna rito ay iniulat ng ahensya na naharang nila ang isang babaeng biktima noong July 17 na na-recruit para magtrabaho sa Dubai.



Ang biktima ay nagpanggap na turista at patungong Singapore. Ang kanyang mga pekeng dokumento ay ibinigay lamang sa kanya sa labas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ibinahagi ni Tansingco na inalerto na nila ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) laban sa nasabing modus, kung saan ang huli ay nakatakdang magsampa ng kaso kontra sa mga recruiters.

“Fighting trafficking needs a whole-of-government approach,” sabi ni Tansingco.

“It’s a tiring and thankless job, and I think it’s necessary for everyone to step up and elevate our game against these syndicates,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)