Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HINDI nga lang sanay marahil ang mga tao na naninigarilyo si Kathryn Bernardo dahil sa kanyang wholesome image.
Sey pa ng netizens, ginagawa lang umanong big deal ang pagvi-vape ni Kathryn.
May ilang nakakita na wala naman daw masama sa pagve-vape ni Kathryn na nakita sa socmed nito.
Free time niya lang anya ‘yun kaya nagawa nito ang paninigarilyo.
At saka ilang taon na ba si Kathryn ani pa ng netizens na nagtanggol sa aktres.
Feeling nila ay baby pa si Kathryn at di gagawin ang pagyoyosi.
Palag nga ng talent manager vlogger na si Ogie Diaz na di big deal ang paninigarilyo ni Kathryn at huwag nga raw gawing isyu.
***
AJ Raval babu na sa paseksi, nakagradweyt na sa studies
WALA raw pagsidlan ng tuwa ang sexy star na si AJ Raval nang ibahagi nito ang kanyang pagtatapos sa Alternative Learning School or ALS sa Pampanga.
Pinasalamatan ni AJ ang kanyang mga guro na nagtiyaga para makapagtapos siya.
Maraming nag-congratulate kay AJ sa socmed nang i-post nito ang kanyang graduation.
Panibagong journey daw sa buhay nito ang kanyang pagtatapos sa pag-aaral.
Kaya napatanong ang netizens na baka di na magbalik pa-sexy si AJ after nitong maka-graduate.
Wala raw sagot ang sexy actress, ito nga marahil ang pinagtuunan ng pansin ni AJ kaya di na siya masyadong visible sa limelight.
For sure na happy at proud ang bf ni AJ na si Aljur Abrenica sa pagtatapos niya ng studies.
Well, well, well…’Yun na!