Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA guesting ni Ara Mina sa YouTube channel ni Snooky Serna, hindi sinasadyang kinumpirma niya ang relasyon nina Coco Martin at Julia Montes.
May segment kasi sa naturang interview na tinatawag na “Pick A Name” na kung saan ay bubunot si Ara ng mga pangalan ng artistang naging ka-close niya, at kailangan niyang magsabi ng mga bagay na hindi niya makakalimutan tungkol sa kanila.
Isa sa mga nabunot ng TV host-actress ay si Coco.
Sabi ni Ara tungkol kay Coco,“Ito si Coco mabait na tao, napakabait niya sa pamilya niya, sa lola niya. His humble beginning, e, hindi rin biro, at saka sobrang dedicated niya sa trabaho that’s why ang (FPJ’s) Ang Probinsyano ganu’n ka-click at marami rin siyang gustong tulungan.”
Patuloy niya,”Hindi alam ng mga tao na marami rin siyang natutulungan na hindi napa-publish o napapa-publicize, so, I’m happy for him dahil open na sila ni Julia na they’re together, tama ba ako? Baka mamaya ako lang nag-announce?”
Close si Ara kay Coco kaya alam niya ang tungkol sa relasyon nito kay Julia.
***
DUMALO kami kamakailan sa launching ng debut single ng talents ng EBQ Music Production na sina Juan Gelido, Francesca Paola, Jhanine Reco, Athena Jhaireh, at Jheo Vestidas,na ginanap sa Pier 1 Quezon City.
Ang single ni Juan ay ‘yung Lagi Na Lang, composed by Evergreen & Evie Quintua, ang kay Francesca ay ‘yung Una Kitang Minahal, composed by Nick & Evie Quintua, ang kay Jhanine naman ay ‘yung Nasan Ka Na, composed by Joyline Yorong & Evie Quintua.
Malay Mo ang title naman ng single ni Athena composed by Rachel Anca, Kate Jumaquio & Evie Quintua, at Nais Ko, ang kay Jheo composed by Rachel Anca, Nick & Evie Quintua.
Ang ibig sabihin ng EBQ ay Express Your Best Quality. Nabuo ang name dahil sa dating singer na si DJ Alvaro na nagpasikat ng awiting Ang Tipo Kong Lalaki.
In fairness, ang gaganda ng songs nina Juan, Francesca, Jhanine, Athena at Jeo, huh! At bagay sa kanilang boses ang kani-kanilang kanta.
Tinanong namin ang lima kung nagawa ba nilang mag-join sa mga singing contest before at kung sino ang kanilang paboritong singers..
Sagot ni Jheo, “Yes po, nakasali na po ako sa singing contest, du’n po sa barangay po namin. First place po ako. Ang favorite singer ko po, si Angeline Quinto. ‘Yung kanta po kasi niyang Patuloy Ang Pangarap ang unang kanta na natutunan ko.”
Ayon naman kay Athena ay nakasali na rin siya sa isang singing contest, sa isang barangay din. At siya ang nag-champion. Sina Regine Velasquez at Morisette Amon naman ang paborito niyang singers.
Nakasali na rin sa isang singing competition si Francesca at sa isang barangay din. Si Moira naman ang paborito niyang singer.
Ang paborito namang singer ni Jhanine ay sina Julie Anne San Jose, Moira, at international singer na si Adele. Sa mga schools naman sumasali sa mga singing competition si Jhanine.
Ayon naman kay Juan,”Sumasali rin po ako sa mga singing competitions, sa barangay po namin at usually sa mga province din po, kapag iniimbita ako ng aking tita. Si Gary Valenciano po ang favorite kong local singer, at si Bruno Mars naman sa international.”
Samantala, sobrang hassle para kay Juan nu’ng ni-record niya ang Lagi Na Lang.
“Na-experiece ko po sa recording, sobrang hassle po. Kasi, naibigay po sa amin ‘yung piyesa ng December 23, 2020. Tapos, ang recording ay January 7, 2023. Ilang weeks lang po naming pinag-aralan ‘yung mga songs namin. Kaya pagdating ko po sa recording, sabi ko, ‘Lord bahala ka na. Sana hindi ako pumiyok. Pero natutuwa naman po ako na maganda naman ang kinalabasan ng song ko at lahat kami,” sabi ni Juan.