Advertisers

Advertisers

Dinedma nang tuluyan.. Angelica inilantad, ayaw pirmahan ng ama ang birth certificate ng kanilang anak

0 170

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

PUNUMPUNO ng damdamin na ibinahagi ni Angelica Jones ang tungkol sa pinagdadanan niya at ng kanyang sampung taong gulang na anak na lalaki na si Angelo.
Mula kasi nang isilang si Angelo ay never pa nitong nakaharap ang ama niya.
At dahil gaganap si Angelica bilang ina ng bidang si Beaver Magtalas sa pelikulang Magic Hurts ay naibuhos ni Angelica ang kanyang saloobin bilang isang ina sa mismong story conference ng pelikula.
“Noong sinabi sa akin ni direk kung gusto ko bang gawin itong movie na ‘to, sabi ko, ‘Direk, gusto ko yung role ko, dahil marami pa akong luhang gustong ilabas. Marami pa akong pain at hurts na kailangang maghilom.’
“Baka sa Baguio baka totally maghilom yung sugat,” sinabi ni Angelica.
Ang direktor ng pelikula ay si Gabby Ramos at sa Baguio at Benguet kukunan ang kabuuuan ng movie ng Rems Films Production.
Inihayag din ni Angelica na masama ang kanyang loob sa ama ng kanyang anak na ayaw umanong pirmahan ang birth certificate ng kanilang anak.
“Yung birth certificate niya kasi nawala nung pandemic. So, until now, wala pang birth certificate yung anak ko, wala hong pirma nung daddy niya.
“So kailangan yung documents na affidavit na galing sa St. Luke’s na pirma ng dad niya, para makakuha ng passport para makaalis yung anak niya.
“Plano naming pumunta ng Paris,” pahayag pa ni Angelica.
Ayon pa sa aktres, kinausap siya ng anak niya, na gusto nitong makilala ang kanyang ama. Gusto pa nga raw puntahan ng bata ang ama nito.
“So ngayon, first time lang ng anak ko na nag-request na ‘Mommy, can we go to Batangas? After 10 years, ngayon ko lang kakausapin si Daddy…’
“And para dun sa kanyang birth certificate na dapat niyang pirmahan.
“Ang nakakalungkot nga na excited na makita ng anak ko yung dad niya, ano yun, as casual na parang civil… hindi siya humarap sa anak ko. Hindi rin niya pinirmahan.”
Basag na ang boses ni Angelica habang ikinukuwento na,”Ilang days na nakita ko yung anak ko na nag-iiyak.
“Ang sabi niya sa akin, ‘Mommy, masama ba akong anak?’ Sabi ko, ‘Hindi.’
“‘Mommy, honor naman ako every year, naging mabuti naman akong anak.’
“Ang dami niyang award. Pero nung birthday, awards, medals, recognition, New Year, Christmas, kahit isang beses, hindi naalala yung anak ko.
“Kahit ibinigay ko na yung number ng dad niya sa kanya, para directly mag-text, even sa messenger, hindi rin siya sinasagot, binlock din siya ng daddy niya.”
Laking-pasasalamat naman ni Angelica na kinilala naman daw ang kanyang anak ng mga lolo at lola nito na magulang ng ama ng kanyang anak, pero pumanaw na ang mga ito.
“Yung nagpuno talaga ng pagkukulang ng daddy ni Angelo ay yung namatay na lolo’t lola, yung parents nung father.
“Namatay yung lola because of COVID. Kaya nalungkot yung anak ko nung namatay yung lolo’t lola kasi parang iyon yung nagpuno sa pagkukulang ng anak.
“So noong nawala yung lolo at lola, nawala na rin yung say ng anak ko.
“Kasi nung nabubuhay pa yung lolo’t lola, sila yung nagpuno, sila ang naghahatid-sundo sa anak ko, sila yung nagreregalo, sila yung present sa mga birthday ng anak ko.
“Nung namatay yung lolo’t lola, wala na yung naging daan para magkaroon ng communication yung aking anak dun sa father niya.
“Yung sa akin lang naman, may kanya-kanya na kaming buhay, at ten years na kaming naka-move on, masaya na kami sa kanya-kanyang buhay.
“Ang ikinalulungkot ko lang talaga, yung rights ng anak ko, bilang isang anak na mabigyan ng moral support.
“Kahit anong mangyari, anak niya to, e.
“At saka nakakadurog pala, ‘no, na akala mo okay na sasabihan ako ng anak ko na ang hirap pala pag walang tatay ang anak.
“Ang hirap pala na kahit ang daming award na sasabihin ng anak ko na… binu-bully kasi siya sa school. Na sinasabi sa anak ko na honor, matalino, tapos wala siyang daddy, tapos busy ako, kasi ako nagtatrabaho.”
Idiniin pa ni Angelica na hindi siya humihingi ng sustento mula sa ama ng kanyang anak.
Napalaki naman daw niya nang maayos ang anak at ang tanging hiling daw niya ay ibigay ang pangalan nito sa kanyang anak at pirmahan ang birth certificate.
Dapat pa raw ipagmalaki ng ama ang kanyang anak dahil napakatalino raw nito at talented pa.
“Kasi honor student ang anak ko. English-speaking pa yan… buti hindi nagmana sa akin.
“Open-minded naman yung anak ko. Ipinapakita ko sa anak ko na puwede naman kami maging masaya.
“Sanay naman na binuhay ko siya na ako lang mag-isa, na ako ang tatay at nanay.
“Ako po yung taong very strong yung personality. Masaya. Gusto ko yung positive.
“But deep inside sa likod ng camera, ang isang Angelica Jones, may malalim na sugat,” punumpuno ng emosyon na pahayag ni Angelica.
Bukas ang pahayagang ito sa pahayag ng tinutukoy ni Angelica na ama ng kanyang anak.
Samantala, bukod kina Angelica at Beaver ay nasa pelikula rin sina Mutya Orquia, Maxine Trinidad, Dennis Padilla, Ricardo Cepeda, Archie Adamos, Panteen Palanca, Whitney Tyson, Blumark Roces, Aileen Papin, Quia Barretto, Dennah Bautista at Cassie Kim.