Advertisers
KAKATAWANIN ng Premier Volleyball League (PVL) Choco Mucho Flying Titans ang Pilipinas sa 2023 VTV Cup sa Vietnam.
Kinumpirma ng team Lunes,ang tungkol sa kanilang paglahok, at pinaskil ni coach Dante Alinsunurin sa kanyang Facebook page Miyerkules.
Ang Choco Mucho ay 2-2 sa preliminary rounds ng PVL Invitational Conference at nagtapos 7th place matapos patalsikin ang Cheryn Tiggo Crossovers sa tatlong sets Hulyo 22.
Sila ang pang pitong teams na makibahagi sa tournament, katabi ang dalawang Vietnamese national teams at limang guest teams.
Ang Choco Mucho ay kabilang sa limang guest teams kasama ang national teams ng Australia at Mongolia,Kansai University sa Japan, at Suwon City sa South Korea.
Ang VTV Cup ay gaganapin sa Lao Cai sa Vietnam mula Agosto 19 hanggang 26 at maging unang tournament stage pagkatapos ng COVID-19 pandemic.