Advertisers

Advertisers

Kelot na na-bully namaril, sumuko kay Mayor Calixto

0 110

Advertisers

Sumuko kay Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano nitong Huwebes ang isang suspect sa pamamaril noong July 31, 2023 sa Brgy. 162 Malibay Lungsod ng Pasay.

Kinilala ang sumuko na si Rener Saddi y Carillo.

Unang lumapit ang suspect kay Barangay Chairman Antonio Trestiza at sinabi na gusto niyang sumuko mismo kay Mayor Emi dahil sa pangamba sa kanyang buhay.



Sinamahan ng Barangay Chairman si Carillo na sumuko kay Mayor Emi, Pasay City Chief of Police Froilan Uy at SPD Director P/ Brig. Gen. Roderick Mariano.

Ang naturang pagsuko pagpapatunay na pinalakas ang ugnayan ng Pasay LGUs sa mga barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay Police iginiit ni Carillo na lagi aniya siyang binu-bully ng biktima na si Marlon Avila y Berses, 51, kung kaya’t nauwi ito sa pamamaril sa biktima.

Iniharap si Carillo sa media upang mahikayat ang iba pang mga suspect na sumuko na rin sa mga otoridad.(Crismon Heramis)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">