TAPE Inc. Biktima Ng Fake News Ng News Program Ng TV5; Celebrity Lawyer Atty. Maggie Abraham- Garduque Pumalag At ‘Di Umatras Sa Hearing Sa TVJ
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
PUMALAG ang celebrity lawyer at legal counsel ng Tape Incorporated na si Atty. Maggie Abraham-Garduque sa evening news program ng TV 5 na nagbalita noong July 31 na umatras daw sa 2nd hearing ang kampo ng Tape Inc. sa Copyright Infringement na isinampa sa kanila nina Tito Sotto, Joey de Leon at Jenny Ferre. Nakahihiya, naturingan pa namang news program na tagahatid ng totoong balita tapos magkakalat ng maling impormasyon sa publiko. At dahil sa malinaw nga na fake news ang naiulat na balita ng news program ng Singko at hindi ito ang totoong nangyari sa naka-schedule sanang 2nd hearing last July 31. Hindi ito pinalampas ni Atty. Maggie at agad nitong sinulatan si MJ Marfori para itama ang maling naiulat sa kanilang programa. Agad namang nilinaw ng said news program na mali sila sa kanilang naunang balita at maging si MJ sa kanyang Hola showbiz segment ay nagkaroon siya ng Erratum sa kanilang fake news. Maling-mali naman kasi sila para paboran ang TVJ laban sa Tape Incorporated ay gumawa sila ng kwento, asan ang kredibilidad niyo? Mabuti kinorek niyo dahil kung hindi ay kinasuhan na kayo ni Atty. Maggie na palaban lalo’t kapag alam niyang nasa tama siya, gaya ng pagtatanggol niya sa Tape Incorporated at Eat Bulaga ng mga Jalosjos.
So ito na yung totoong nangyari kung bakit kinansela ‘yung pangalawang hearing. Ayon kay Atty. Maggie, due of lack of judicial affidavit sa kampo ng TVJ at ni Jenny ay ni-reset ng korte ang kanilang hearing. Ang may judicial affidavit lang daw ay sina Joey at Jenny si Tito wala at hindi nagawan ng lawyer nila.
“Nung una kasi sina Joey at Jenny lang ang ipresent nila. ‘Yun din ang sinabi ng lawyer nila. Kaya si Joey at Jenny lang ang nagawan ng judicial affidavit.
“After ni Joey mag-testify last July 27 ay biglang sinabi ng lawyer na gusto na rin daw ni Tito (Sotto) na mag-testify. So hindi kasalanan ng Tape kung cancelled yung hearing,” pahayag pa ni Atty. Maggie.
At para sa news program ng Singko narito ang gustong iparating sa kanila ng famous lawyer, “Kaya nga news program ito, mga facts and information lang, wala dapat dagdag. Pwede naman nila sabihin lang na cancelled ang hearing. Hindi yung umatras ang Tape e andun nga ako at ready to cross exam. Eh, sino ico-cross exam ko wala ngang witness ang TVJ. Yung may judicial affidavit not in court, yung nasa court wala namang ja. Hindi kasalanan ng Tape Kung bakit na-cancel ang hearing. Walang ja si Tito at sina Joey at Jenny lang ang May ja. Kaya court directed Tito to file ja within 3 days tapos pinagpa-fine ng maximum amount na 5k.
“Wala rin si Ferre kaya walang napresent sila na witness that day kaya na-reset ang hearing namin,” pagtatapos ni Atty. Maggie.
So hindi umatras ang Tape Inc. sa labang ito lalo’t may ebidensiya at dokumento sila na wala silang nilabag na copyright infringement at sila ang unang nakapag-rehistro sa IPOPHIL ng pangalang Eat Bulaga na trademark ang tawag at hindi copyright na tulad ng pinalalabas ng TVJ. Loud and clear?