Advertisers

Advertisers

Belle wish mawala ang pagiging kuba

0 150

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

AMINADO si Belle Mariano na super conscious siya noon sa kanyang katawan at itsura.
Ngunit sa pagdaan daw ng panahon ay nagiging mature ang pananaw niya sa mga bagay-bagay sa kanyang kapaligiran lalo na sa pagtrato at pag-aalaga niya sa sarili.
“Struggle is real. Alam ko namang imperfect ako. It’s our imperfections that make us perfect. I think that’s what I like,” sabi ni Belle sa interview sa kanya ni Vice Ganda sa YouTube channel nito.
“We learn how to embrace our imperfections. I think that’s what makes us really stick to our core and love ourselves more.”
Sa tanong ni Vice sa kanya kung ano ang kanyang proudest imperfection, ang sagot ni Belle,“Before talaga sobrang weight-conscious ko. Binibilang ko ‘yung calories ko, ganyan. As in I never saw myself perfect physically. Tapos in-embrace ko siya.
“So now, I just do what I want to do. Ginagawa ko na lang kung ano ‘yung hinahanap ng katawan ko, kung ano ‘yung gusto kong kainin.”
Minsan nga raw ay nagkausap sila ng kanyang ina tungkol sa mga insecurities niya noon sa kanyang itsura at katawan, lalo na noong sumabak na siya sa pag-aartista.
Aniya, una sa mga ginawa niya para ma-overcome ang insecurity ay ang pag- embrace sa lahat ng kanyang mga flaws o kapintasan.
“You know how noisy social media can get, Twitter can get. Kapag sinasabi na ‘Ay ang pangit ng buhok niya, ang pangit ng ano…’ Noise na lang ‘yun once matanggap mo na ‘yung sarili mo,” sey ni Belle.
Pero kung may isang physical aspect na nais pa niyang ma-improve, “Yung posture ko. Kuba ako sobra! Ha hahaha!,” natatawang sagot niya.
***
ANG akala namin ay walang bisyo itong isang sikat na aktres. Wholesome kasi ang image na nai-project niya sa publiko at sa kanyang mga tagahanga.
Pero laking gulat namin nang makita namin mismo na naninigarilyo siya, noong kanyang kabataan.
Nasa dubbing room siya that time. Habang nagda-dub para sa kanyang pelikula ay naninigarilyo siya.
Nagpunta kasi kami sa dubbing room na nandun siya. Nasa isang dubbing room din kami kasama ang isang artista para rin mag-dub ito ng kanyang pelikula. Nang malaman namin na nasa kabilang dubbing room si sikat na aktres, nagpunta kami roon para panoorin siya kung paano at kung mabilis ba siyang mag-dub.
Ayun. shocked nga kami dahil naabutan namin na naninigarilyo siya. At sigurado, yung mga tao na nanonood din sa kanya na nagda-dub siya ay gulat din sa kanilang nakita.
Ito naman kasing si sikat na aktres, dapat ay hindi naninigarilyo sa oras ng kanyang dubbing. Dapat ay itinago pa rin niya ang paninigarilyo. Magsigarilyo na lang sana siya roon sa harap ng mga taong close sa kanya, dahil siguradong hindi naman siya itsitsismis ng mga ito na may bisyon rin pala siya.
Ngayon kaya ay naninigarilyo pa rin si sikat na aktres? Pero para sa amin, okey lang naman yun, choice niya kung manigarilyo siya di ba? Kaya lang siyempre, hindi namin sukat akalain na ang isang wholesoma actress ay naninigarilyo pala.
Sino si sikat na aktres? Sikat na sikat siya noong kanyang kabataan.