Advertisers

Advertisers

DOH: Health workers posibleng mabigyan ng bakasyon

0 204

Advertisers

POSIBLENG mabigyan na ng break sa trabaho o bakasyon ang mga healthcare workers sa mga lugar na maituturing nang low risk o very low risk.
Pahayag ito ni Health Undersecretary Leopoldo Vega bagama’t depende pa rin sa magiging pasiya ng mga ospital na kanilang kinabibilangan at local government units (LGUs).
Sinabi ni Vega, ang mga LGUs at ospital ang mag-aassess sa sitwasyon ng COVID-19 sa kanilang lugar batay na rin sa critical utilization rate o dami ng mga positibo.
Matatandaang iminungkahi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga ospital na bigyan ng bakasyon ang kanilang mga health workers kung hindi na gaanong mataas ang bilang ng pasyente ng COVID-19 sa kanilang pasilidad.
Ayon kay Roque, kanya nang ipinabatid kay national task force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez ang kanyang mungkahi na ipapabatid naman umano kay vega na pinuno ng one hospital command.