Advertisers

Advertisers

WRONG MOVE

0 256

Advertisers

Tila agresibo at di kaaya- aya ang suhestiyon ni Senate President Miguel Zubiri patungkol sa boycott laban sa mga produkto at serbisyo mula sa bansang Tsina.

Counter- productive ito at masasabing hindi naaayon sa foreign relations programs Ng Pangulong Bongbong Marcos.

Nais kasi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na tuluyang pagbawalan ang mga kumpanya na mula sa China na makakuha ng mga proyekto sa bansa.



Ang nasabing pahayag ay may kaugnayan sa water cannon incidents ng mga Chinese coast guard sa mga kasapi ng Philippine Coast Guard na magdadala lamang ng mga supply sa kasamahan nila na nasa Ayungin Shoal.

Ayon sa senador na kanyang babanggitin sa budget hearing ang nasabing pag-boycott sa mga Chinese company at sa halip ay ibigay na lamang ang mga proyekto sa mga bansa na nararapat at kaalyado ng Pilipinas.

Bukod pa dito ay hinikayat din nito ang mga mamamayan huwag tangkilikin ang mga produkto na galing sa China subalit hindi naman sang-ayon dito ang mga ekonomista dahil sa karamihang mga nabibiling produkto sa bansa ay galing sa China.

Bagamat maituturing isang diplomatic protest laban sa China ang nais gawin ni Zubiri,kailangang magdahan- dahan muna ito at wag maging emosyonal.

Baka kasi isipin ng tao na sa halip na personal na opinyon ito ng senador ay baka lumabas na pangkalahatang stand ng buong Senado ng Pilipinas.



Dapat ding kumonsulta muna si Zubiri sa mga ekonomista at economic managers ng Pinas bago gumawa ng isang sweeping pronouncement.

Mahalagang timbangin muna ang mga bagay- bagay patungkol sa bansang China at kung paano ito makakaapekto sa takbo ng ekonomiya ng bansa.

Masasabing isang maling hakbang kung ganitong magbibigay ng “premature pronouncement” ang isang lider ng Kamara na di man lamang nagsasagawa ng konsultasyon sa mga kapwa niya senador at sa mga economic experts.

Baka kasi makaperwisyo ito sa halip na makatulong sa malalang sitwasyon ng pangka-buhayang aspeto ng Pilipinas.

Ika nga, WRONG MOVE ito Mr.Senate President!

Di ba nga may kasabihan tayo na, “never make a decision while your are happy or angry”!

Dahil kadalasan, palpak ang desisyong gagawin kapag ang estado ng emosyon ng isang tao ay nasa abnormal stage.

Cool ka lang Mr.Senate President Migz!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com