Advertisers
Mariing kinundina ni National Security Council (NSC) Secretary Eduardo Año ang ‘terror group’ na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa pagiging Numero Uno nitong paglabag sa International Humanitarian Law (IHL).
“The CPP-NPA-NDF is the number one violator of the IHL in our country. Committing crimes against IHL such as civilian executions, assassinations, ambuscades, bombings, use of anti-personnel landmines, among others, that has resulted not only the deaths of government forces but civilians,” ang pahayag ni Año, na binasa ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya sa lingguhang balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Lunes.
Kinukundina ni Año ang huling pagpapasabog ng NPA sa tatlong sibilyan kabilang ang isang Barangay Chairmanvat dalawang dating mga rebelde sa may Uson, Masbate. Kung saan matapos ang pagsabog ay pinagbabaril pa ang mga ito noong August 7.
Ang mga biktima ay lulan ng isang motorsiklo pauwi sa kanilang mga tahanan ng sila ay pasabugan ng ‘remotely detonated explosive device’ at pinaputukan.
“The perpetrators of this dastardly and cowardly act will not go unpunished. Justice will be served for Barangay Captain Democrito Rivera, Romnick Lumabab and Alex Balayan, all residents of Barangay Bonifacio. We strongly condemn the latest atrocities by the NPA,” ang sabi ni Año.
Ayon kay Malaya, ang huling pag-atakeng ito ng mga natitirang miyembro ng NPA ay pagpapatunay kaya sila nabansagang pang-15 pinaka-matinding grupo ng terorista sa mundo, base sa 2023 Global Terrorism Index.
Nangyari ang pagpapasabog habang ginugunita pa naman ng buong mundo ang linggo ng IHL.
“The IHL Day allows us to be reminded of the importance of respect for human rights and obligation of the government and in upholding these rights and the dignity of every individual troubled by armed conflict. This includes the sick, the wounded, the civilians, and the non-combatants,” pagdidiin ni Malaya.
May tema pa naman itong “IHL, Gabay sa Makataong Pagsulong ng Kapayapaan.”
“Nais namin sa NSC na bigyang diin na Ang pamahalaan ay paiigtingin ang pakikipag-laban sa mga gumagawa nang paglabag sa IHL at sisiguruhing nabigay ang hustisya sa mga biktima,” dagdag pa ni Malaya.