Advertisers
Pinaigting ng Manila Electric Company (Meralco) ang kampanya nito upang mas marami pang kwalipikadong customer ang maging bahagi ng lifeline rate program. Nagsasagawa ang Meralco ng mga barangay caravan at on-site applications sa iba’t ibang bahagi ng prangkisa nito upang ipaliwanag ang kahalagahan ng naturang programa para mas maging madali para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang kwalipikadong residente ang proseso na mag-aplay.