Advertisers

Advertisers

1 patay, 8 sugatan nang masagi ng firetruck na reresponde sa sunog

0 158

Advertisers

NASAWI ang isang senior citizen habang walo ang sugatan nang mahagip ng rumespondeng fire truck sa isang sunog sa Maynila.



Kinilala ang nasawi na si Violita Ferrer Estabillo, 62 anyos, vendor, ng Albuquerque St., Tondo, Maynila.
Isa sa walong sugatan na ginamot sa Mary Johnston Hospital ay nakilalang si Irene See Ang, isa ring senior citizen. Habang ang iba pa ay pinauwi na matapos masuri.

Nabatid na binabagtas ng Firetruck Smokey Pumper 125 (NBL-8773) ang kahabaan ng westbound lane of P. Herrera 1st Street malapit sa kanto ng Albuquerque St. nang mahagip ang mga biktima .

Sa imbestigasyon ng Manila Traffic Enforcement Unit ng Manila Police District (MPD), nangyari ang insidente 5:30 ng hapon ng Lunes ngunit naitawag sa kanilang tanggapan 7:00 na ng gabi.

Iniwasan umano ng firetruck ang mga tent sa kahabaan ng kalye nang aksidenteng tumama ang harapang bahagi ng truck sa mga biktima.

Malakas ang pagkakabangga kay Estabillo na napaabante pa ito ng ilang metro hanggang humampas sa sahig.

Kasong Vehicular Accident Resulting in Homicide and Physical Injuries ang maaring kaharapin ng driver ng fire truck na si Rodolfo Catindig Pineda, 27 anyos .

Hawak ngayon ng MDTEU si Pineda. (Jocelyn Domenden)