Advertisers

Advertisers

Toni at Direk Paul ibinahagi ang piktyur ng bagong baby girl

0 360

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA Instagram ay makikita ang pagbabahagi ninaToni Gonzaga at Paul Soriano ng kanilang larawang pamilya kasama si Seve at kasisilang na si Baby Paulina.
Mismong si Paul ay nagbahagi na nanganak na ang misis na si Toni last Saturday.
Kaya namam bumuhos ang mga pagbati sa mag-asawa sa pagdagdag sa pamilya.
It’s a baby girl nga ang pangalawang anak nina Toni at Paul.
Of course, walang pagsidlan ng tuwa ang mag-asawa sa dagdag na blessings sa pamilya.
Kaya natanong ang netizens kung kailan naman kaya mag-aanak ang kanyang sissy na si Alex Gonzaga na mayroon na ring asawa.
***
Enrique Gil balik-acting after 4 years
MEDYO nangangapa at naninibago si Enrique Gil sa kanyang comeback project na ang huling film na ginawa ay Alone Together in February 2019 with Liza Soberano.
After 4 years ay balik acting na nga si Enrique.
Di nga lang siya actor sa film na kanyang gagawin kundi producer na rin ito sa I’m Not A Big Bird.
Tumungo na nga ang buong team ni Enrique pa-Thailand para doon mag shoot ng nasabing pelikula.
Isang linggo sila mag-stay doon para sa shoot ng film.
As in feeling nanibago si Enrique, apat na taon ba namang natengga sa paggawa ng pelikula.
Well, well, well…’Yun na!