Advertisers

Advertisers

APAT NA DEKADA DUMADAGUNDONG PA…

0 141

Advertisers

NGAYONG araw ginugunita ang ika-apatnapung anibersaryo ng pagpatay kay Ninoy Aquino. Marahil iisipin ng marami na napakatagal ang pangyayaring ito, at nawala nang tuluyan ang dagundong ng “pusila,” na kumitil sa buhay ng isang Ninoy sa palitada ng pambansang paliparan noong Agosto 21, 1983. Opo, mga giliw na nagbabasa ng abang kolum na ito, apat na dekada ang nakalipas, nang nakatayo ang inyong abang lingkod sa tapat ng Rasa Singapura, para umorder ng tanyag nilang beef-rice pagkatapos magpagupit sa parlor ni Jun Arriola. Simple ang buhay noon na biglang ginulo ng mga kaganapan sa tarmac ng MIA. Nang marinig namin ang balita sa radyo ng kusinero, tumahimik ang kapaligiran. Bigla kami binalot ng pangamba, na kung may kutsilyo, mahihiwa ito sa bigat at kapal. Lahat nakatutok sa radyo, lahat pinakikinggan ang bawat katagang namumutawi mula sa bibig ng announcer. At ang kanyang tinig, mababatid ang nginig sa boses, na tila pinipigil niya ang luha habang nagsasalita.

Sa pagkakataong iyon, ang buong kamalayan natin ay nangilid ang luha. Sapagkat tumambad sa ating lahat ang kapangahasan ng ama ng kasalukuyang pangulo na walang habas na kinitil ang buhay ni Ninoy gamit ang itinalaga niyang mga berdugo. At sa pagkakataong iyon, nabuo at naging ganap ang pagkamuhi ng Pilipino sa mga Marcos. Hindi dapat ikaila ito, at lalong hindi dapat mabaon sa limot ang pangyayari. Apat na dekada na. Ngunit kahit humina ang dagundong hindi pa rin ito nawawala. Sapagkat ang pinasiklab na apoy sa damdamin ng kamalayan ay kailanman nagigisnan, matatanaw, maririnig. At sa ipinamalas mong sakripisyo, pumupugay kami Ninoy.

***



“Pahalagahan niyo ang inyong karangalan gaya ng pagpapahalaga ninyo sa inyong buhay…” Ito ang pabilin ni Manuel L. Quezon sa ating lahat. Itong paalala ni Manuel L. Quezon sa ating lahat. Subalit taliwas ang paalalang ito lalo na sa kasalukuyang naninilbihan bilang opisyal publiko. Nakakalungkot. Subalit may panlipunang pagpiglas mula sa kamalayan. Ang ipinamalas nila ay namumunga ng hindi pagsang-ayon, at pambabatikos mula sa madla sa social media ang resulta. Opo, maaaring maiingay ang kasapakat, ngunit iilan lang sila, at sa kalaunan mananaig ang tunay na tinig ng bayang alibadbad na sa kanilang pinaggagawa. Sa totoo lang kapag sinundan ang kanilang sinasabi, nakikitang nag-eeskrima ang kanilang sinasabi.

Mula sa kalihim ng DTI na nagsasabing mahal ang bigas kaya dapat mag-diet, at isang senador na nagsabing dapat mag anak ng anak para bumaba ang per capita income natin, at ang kalihim ng edukasyon na nagpapanggap na may alam, alisin daw ang mga teaching aids sa silid-aralan. Marunong din si Poong Kabunian, dahil ipinamalas niya sa ating lahat ang resulta ng ating pagpili ng timon. Sabi naman ng marami Comelec ang pumili sa kanila, pero sa ibang araw natin tatalakayin yan. Ang siste, pumili na tayo ng marangal at matino. Ngayong araw ng yumaong Ninoy isipin natin ang atang niya para sa bayan.

***

OPO, the pushback is real, maging sa Hudikatura kung saan nagbaba ng order na hulihin at ipiit ang dating brodkaster na notoryus Dutertista Jay Sonza dahil sa illegal recruitment at estafa. Sa pagsusulat nito, napabalitang pinalaya siya pansamantala. Heto lang ang sapantaha ng abang kolumnistang ito: maging tapat sa tungkulin, maging makatotohanan at huwag mapanira ng kapwa, at mamuhay ng marangal. Kahit sinabi ni Quezon ang huli, tandaan walang expiry date ang lahat ng ito. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian at Mabuhay tayo.

***



Mga Harbat Sa Lambat: “We reject being the AFP’s reserve forces against China in the WPS, as it will further put us in danger, Why would they employ the fisherfolk as army reservists when we are not trained to be one in the first place? It is the responsibility of the country’s armed forces to defend and secure our national security and sovereignty at all times, as mandated by the Constitution…” – Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) vice-chairperson Bobby Roldan.

“Mahal ba ang lahat ng bilihin? That’s the result of your bad choices in 2016 and 2022. Nandamay pa kayo! Sana masarap kain nyo!…” -Dato Dumagat, kritiko, netizen

“Magnanakaw lang galit sa COA…” – Leila De Lima, dating senador, bilanggo ng konsensya

“Bagong 31M Script: “Reklamo ug mahal bugas, pero ka afford ug red horse.”

Doesn’t change the fact nga scam ang 20PHP bugas. Dawat dawat gud…” -Hope Tinambacan, kritiko, netizen

***

Nakita ko lang:

Anong tawag doon sa nagpayo na paghaluin ang bigas at mais o mag kamote na lang kesa rice?

Sagot: Timang

***

mackoyv@gmail.com