Advertisers

Advertisers

Marcial tutok na sa Asian Games

0 152

Advertisers

IPINAGPALIBAN ni Filipino boxer Eumir Marcial ang kaniyang pagpursige ng professional career.

Sinabi nito na nakatutok siya ngayon sa pagsabak niya sa Asian Games sa buwan ng Setyembre at ang pagpursige niya para sa Olympic gold medal sa Paris sa susunod na taon.

Kinumpirma rin ito ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang pagkansela ni Marcial ng kaniyang professional fight.



Kasalukuyang nasa US ang 27-anyos na boksingero at ito ay uuwi sa bansa para makasama ang national team.

Magsasagawa kasi ng training ang national team sa Australia sa Setyembre 1.

Magugunitang hindi nakapaglaro si Marcial sa 32nd SEA Games noong Mayo dahli sa injury at ito ay sasabak sa 81 kilogram category dahil ang kaniyang orihinal na 71-kg. category ay hindi kasama sa Asian Games.