Advertisers
Ni NOEL ASINAS
PABORITONG awitin ng magandang GMA Records artist Gel Aquino ang love songs.
Si Gel mismo ang nagku-compose ng awitin niya. Kadalasan sa mga awitin niya’y nagpapahayag ng nasasaktang puso sa pakikipagrelasyon o ano mang gusto ng isang babae sa relasyon.
Di naman lahat ay na-experience ni Gel kundi mga nangyari sa kanyang mga kaibigan o kakilala.
Sa latest single niyang Nais Ko!, paboritong lines ni Gel: “Nais ko ako ang iibigin. Dapat lang!”
Mapapakinggan ang Nais Ko! sa iba’t ibang platform tulad ng Spotity at iba pa.