Advertisers

Advertisers

BARANGAY BUHAY NA TUBIG SA IMUS, CAVITE BAKIT IWAS-PUSOY SA PROBLEMA NG MGA RESIDENTE NG DECA HOMES?

0 299

Advertisers

Mukhang di maganda ang mga kaganapan diyan sa mismong Barangay Buhay Na Tubig,Imus,Cavite base sa sumbong na nakarating sa atin.

Dedma daw as in walang paki alam ang mismong liderato ng Barangay Buhay Na Tubig sa mga reklamong idinudulog dito ng mga residente ng Deca Homes Housing Development Corporation sa nasabing lugar.

What the fuck!



Ngayon ko lang nalaman na puwede palang sabihin ng isang barangay unit na wala silang magagawa sa reklamo ng kanilang constituents lalo na kung ang Deca HOMES ang involved.

Saan mang lupalop tayo magtungo,di puwedeng sabihin ng mga opisyal ng barangay na wala silang magagawa sa inilapit ng isang individual lalo na nga’t residente ito ng nasabing lugar.

Yun ngang iba,kahit di residente ay obligadong tulungan at asikasuhin o harapin man lang.

Public servants po kasi ang lahat ng elected at appointed officials ng isang barangay na dapat at obligadong umasiste sa mga karaingan ng mga taong nagpupunta sa isang barangay unit.

Kung di man direktang maagapan yan ay puwedeng inendorso sa mga kaukulang ahensiya o tanggapan ng gobyerno.



Ang siste,di lamang isa o dalawang complainants ng DECA Homes- Imus ang umano’y tinanggihan o tinabla ng Barangay Buhay Na Tubig at ng mga opisyales nito.

Tila umano IWAS-PUSOY ang barangay na ito kung ang subject of complaint ay Deca HOMES.

What’s in Deca Homes nga ba at TILA ayaw panghimasukan ng mismong mga taga-Barangay

Buhay Na Tubig?

Wala raw silang hurisdiksyon o kapangyarihan iresolba ang di pagkakaintindihan ng mga residente at ng nasabing developer.

Talaga?

Walang hurisdiksyon?

Eh kanino lalapit ang mga residente ng Deca Homes kung hinaharass na sila ng tusong developer?

Sa NPA na hihingingi ng assistance sa halip na sa barangay?

Di rin daw kahit kailan humaharap sa mga nagrereklamong residente ng Deca Homes si Kapitan.

Mga kagawad lamang umano nito at ilang barangay official ang pinapaharap nito sa mga complainants ng DECA.

Marami kasing kaso ng harassment at illegal ejectment ang inilalapit ng mga RESIDENTE ng Deca Homes laban sa nasabing balasubas na developer pero tinabla nga raw ng Buhay NaTubig.

Sa halip na pagharapin sa barangay hall ang mga nagrereklamo at Deca Homes,sinasa

mahan na lamang ang mga complainants sa mismong opisina ng Deca para duon pag usapan ang problema.

Oh why oh why!

Sa halip na sa isang neutral corner plantsahin ang ano mang di pagkakaintindihan ay sa mismong tanggapan pa ng developer ibinabato.

Paulit ulit na umano itong ginagawa ng liderato ng Barangay Buhay Na Tubig kung kaya’t idinulog na mismo ito sa Liga ng mga Barangay (ABC) ng Imus,Cavite para malaman ni Mayor Alex Advincula.

Di naman gusto ng mga RESIDENTE ng Deca Homes na kampihan sila ng mga taga- barangay.

Tanging hiling nila ay pakinggan sila ni Kapitan at kumbidahin sa Barangay sng management ng Deca Homes.

Mahirap bang gawin yun o tinatamad lamang si Kapitan?

Ayon sa ABC, may hurisdiksyon ang barangay sa lahat ng hinaing ng mga constituents nito.

Walang dapat tanggihan o pagkaitan ng tulong.

Dapat tanggapin ang bawat reklamo at aksyunan ang mga ito.

Mukhang walang planong tumakbo sa darating na eleksyon ang mga incumbent barangay officials ng Buhay Na Tubig.

Lahat kasi malatuba ang dating at mukhang walang gustong magrender ng serbisyo sa tao.

By the way, ngayon ngang nasa city hall na ng Imus ang mga reklamo ng mga residente ng Deca Homes,baka naman puwedeng bigyan ng libreng abogado ni Mayor Advincula ang mga complainants na naging biktima ng modus operandi at scam ng nasabing developer.

It’s about time na imbestigahan ang mga reklamong ito laban sa Deca Homes.

Panggugulang at panloloko sa mga kostomer nila ang kadalasang reklamo laban sa Deca Homes

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com