Kaya minamadali ang pagpapakasal…Fans takot maagaw ng iba sina Kathryn at Daniel; Andrea inamin, naging alila ng ilang kaibigan
Advertisers
Ni MERCY LEJARDE
DAHIL sunud-sunod ang kasalan ng ilang sikat na celebs natin like Arjo Atayde and Maine Mendoza, Maja Salvador and Rambo Nunez, Lovi Poe and Monty Blencowe, ang isinisigaw naman ngayon ng fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay dapat daw magpakasal na rin ang dalawa tutal naman ay marami nang naipon na datung ang dalawa at kering-keri na mag-settle down.
Syokot kasi ang mga fans nila na baka raw masulot pa ng ibang girlulu ang Daniel or si Kathryn ay masulot pa ng mga minchangs ke mayamang foreigners o hindi. Saka nasa tamang edad na naman daw ang dalawa para magpakasal.
Kung sabagay may tama sila. So anong sey mo Karla Estrada na Mommy Dearest ni Daniel?
Pero kung si yours truly ang tatanungin nyo, huwag muna. Hayaan natin kumita pa sila nang husto bilang mga sikat na showbiz celebs dito sa ating bansa para boom ang ekonomiya ng kanilang mga bulsa at makatulong pa sa kani-kanilang pamilya. Yun na!
Eh, paano raw kung masulot ni Andrea Brillantes na siya ngayong pinapasikat ng Kapamilya Network? Weeehhhh, hindi naman siguro manunulot ang isang Andrea, noh.
Ang alam namin, bidang-bida si Andrea sa bagong tv series ng ABS-CBN Dreamscape titled Senior High na kapalit ng iniwang timeslot ng Dirty Linen.
Bida rito si Andrea sa role niyang si Sky na may kinalaman sa mental health.
Sa screening at mediacon ng bago niyang TV series sa Dreamscape Entertainment na Senior High, isa sa mga naitanong kay Andrea ay kung naka-relate ba siya sa karakter niya bilang si Luna na laging naba-bash at nabu-bully.
Ayon sa aktres, nakaka-relate siya kay Luna as Blythe (her real name), not as Andrea na artista na laging bina-bash.
“Ano kasi, wala naman na akong magagawa do’n, eh,” aniya.
Tulad ni Luna, may panahon din daw na nagkaroon siya ng mga maling kaibigan to the point na parang ginawa na rin siyang alila or yaya.
“Mas nakaka-relate po ako with Luna kasi, actually, there was a point in my life na parang napasok din ako sa friend group, tapos akala ko, friends ko sila hanggang sa na-realize ko na ‘oh, my God, unti-unti na akong ginagawang alila or yaya nila.’
Awww, how sad naman.
Niwey…mahahalagang aral tungkol sa mental health ang hatid na mensahe nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat, sa bagong Kapamilya teleseryeng “Senior High.” Napapanood na ito simula nung Lunes (Agosto 28) ng 9:30 PM.
Isa itong mystery-thriller series na bibigyang diin ang ilang pagsubok na pinagdadaanan ng mga kabataan ngayon tulad ng suicide, mental health, bullying, at peer ressure lalong-lalo na sa eskwelahan
“We tackle sensitive topics. I really don’t wanna romanticize drugs, mental health, etc. I want to make this different and magkaroon talaga ng impact and makatulong talaga kami sa ibang tao na we need to take responsibility for our own life,” sabi ni Andrea sa isang interview kamakailan.
Magsisimula ang kwento ng “Senior High” sa kambal na sina Luna at Sky (Andrea). Ibang-iba ang kanilang personalidad dahil si Luna ay matalino at pabibo, habang si Sky naman ay may hinanakit sa kanilang nanay na si Tanya (Angel Aquino) dahil ang lola niya ang nagpalaki sa kanyang mag-isa.
Ang “Senior High” ay mula sa direksyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay, ang mga direktor ng patok na revenge series na “Dirty Linen.” Handog ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC ang isang Dreamscape Entertainment production, tampok din sina Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Baron Geisler, Mon Confiado, Sylvia Sanchez, Desiree Del Valle, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, Ryan Eigenmann, Rans Rifol, Rap Robes, Kakki Teodoro, at Floyd Tena. Napapanood na ang “Senior High” simula Agosto 28, Lunes hanggang Biyernes, ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.