Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
UMAARANGKADA sa ratings game pero magwawakas na ang Voltes V: Legacy sa September 8, 2023.
Naging household name sina Steve Armstrong (Miguel Tanfelix), Jamie Robinson (Ysabel Ortega), Big Bert Armstrong (Matt Lozano), Mark Gordon (Radson Flores) at Little John Armstrong (Raphael Landicho).
Hindi biro ang naging puhunan ng lima (dugo, pawis, luha, pagod at puyat) kaya naman isang napakalaking tagumpay ang Voltes V: Legacy.
Kaya naman nararapat lamang na regaluhan nila ang kanilang mga sarili, lalo na mula sa kinita nila sa show.
Biyahe abroad ang regalo ni Miguel sa kanyang sarili lalo pa at 25th birthday niya sa September 21.
Negosyo naman ang reward ni Ysabel sa sarili.
“Nagpatayo ako ng business.
“Along with my partners, magpapatayo ako ng isang nail salon and, at the same time, magpapatayo rin po ako ng isang bakeshop.
“It’s kind challenging to put up two businesses at the same time pero yun po ang ginawa kong reward sa sarili ko.
“Something din na kung anuman yung effort na pinour ko dito sa Voltes V, naghanap ako ng kung saan ko ulit ibubuhos.
“Yun ang pinili ko, two businesses na passion ko din naman.”
Ang tinutukoy ni Ysabel na nail salon ay ang branch ng sikat na Nailandia kung saan ang mga partner niya ay mga co-stars din niya sa Voltes V Legacy na sina Elle Villanueva (bilang Eva Sanchez), at Sophia Senoron (bilang Ally Chan).
Masayang-masaya ang Nailandia owners na sina Noreen at Juncynth Divina sa pagkakataong magkaroon ng business collaboration sa tatlong aktres dahil sikat na sikat ang Voltes V: Legacy at patuloy na nangunguna sa ratings game.
“Very thankful, grateful kay Lord!
“Thank you Lord talaga, wala lang akong masabi, thank you Lord talaga,” bulalas ni Noreen.
Ang friendship naman nilang lima ang maituturing ni Radson na premyo niya sa sarili.
“Kasi sa tagal namin talaga, ang dami naming pinagsamahan and, feeling ko, walang makapapantay o makahihigit na gamit na puwede kong i-reward sa sarili.
“It’s priceless,” pahayag ni Radson.
Motorsiklo naman ang ibinigay ni Matt sa sarili.
“Best reward!
“Green yung napili kong kulay ng motorcycle kasi gusto ko, every time na sasakyan ko yung motor ko, it will remind me of pagiging Big Bert Armstrong.
“Saka, reward din yung na-recognize ka sa ginawa mo, at wala na akong masasabi kundi sobrang proud na proud ako to be part of Voltes V,” sabi ni Miguel.
Isang van naman ang iniisip ni Raphael na pag-ipunan at bilhin para sa kanyang pamilya.
“Kasi yung family ko po, mahilig kaming mag-outing, mag-travel. Para magkakasya na kami sa loob ng van.”
Happy rin siya sa friendship nila ng Voltes V team.
***
BILANG artista ay natural na pinangangalagaan ni Jennica Garcia ang sarili.
At bilang bagong celebrity endorser ng beauty product line na Queen White tinanong namin si Jennica kung paano inaalagaan ni Jennica ang sarili, ano ang ginagawa niya para mag-destress at mag-relax?
“Sobrang overwhelming po talaga maging isang working-mom, actually katawan ko lang talaga yung nandito ngayon, yung kaluluwa ko hinahanap ko pa,” at muling tumawa si Jnnica.
“Actually po three weeks na akong hindi nakakapag-destress, but when I do get the chance, I make sure that I get a massage, and then magpa-body scrub, mahilig po talaga akong mag-alaga ng balat.
“Nandiyan naman yung siyempre inaalagaan nating yung balat natin from our home, pero iba yung nakahiga ka na lang di ba? “Tapos recently meron akong naranasan… last month, first time kong magpa-spa, yung sa hotel po, kasi di ba usually ang spa yung pupunta ka na lang doon?
“Ito po na-try ko sa hotel, medyo mahal po yung binayad ko, parang five digits nga po yun, pero alam niyo po na-realize ko kailangan ko talagang magsipag sa buhay, kasi ang sarap!
“Ang sarap po talaga! Kasi usually po di ba pag mamasahihin po kayo tapos iba-body scrub po kayo tapos ipapasok po kayo tapos gagawin yung procedure, tapos dull na po.
“Yung na-experience ko po kasi sa hotel, parang meron pa po kayong thirty minutes, para gagamitin niyo yung private nilang sauna, steam room, ang sarap!
“Kailangan po talaga nating magsipag para nakakaranas tayo ng mga ganung bagay. So iyon po, nilu-look forward ko po, siguro po ang next hotel spa ko next year na, January. Ha! Ha! Ha!”