Advertisers

Advertisers

Brigada Eskuwela ng DPWH Rizal 2nd District DEO matagumpay na naisagawa!

0 226

Advertisers

KARAMIHAN o sabihin na nating lahat na siguro sa ating mga kababayan na kapag napag-usapan ang Department of Public Works and Highway (DPWH) ang laging nasa isip ay ang paggawa ng mga Tulay, Kalsada, Gusaling Pampubliko tulad ng mga school buildings at kung ano-ano pa.

Pero ang lahat ng ito mga Ka Usapang HAUZ ay pansamantalang kinaligtaan ng pamunuan ng Rizal 2nd District Engineering Office ng DPWH at itinuon nila ang kanilang atensiyon sa opening of classes ang Brigada Eskuwela.

Sa pangunguna ni DPWH Rizal 2nd District DEO, District Engineer DE Wilfredo Racelis kabilang ang kanyang Assistant District Engineer ADE Lito Fabian at lahat ng Section chief ay tinungo ang bulubunduking lugar sa Bayan ng Tanay hindi para magtayo ng gusali o ano pa man kundi bitbit ang humigit kumulang sa 200 school supply upang ipamahagi sa mga estudyanteng kapos sa pambili ng mga gamit pang eskuwela.



Para sa kaalaman ng mga Ka Usapang HAUZ napiling pagkalooban ng DPWH Rizal 2nd DEO ng gamit pang eskuwela ang mga estudyanteng mula Grade 1 hanggang Grade 3 ng Cayabu Elementary School, Brgy Cayabu Tanay Rizal kung saan halos umabot sa 200 estudyante ang napagkalooban.

Naibahagi sa Usapang HAUZ ni ADE Fabian na bukod sa Lapis at Papel mayroon ring nakapaloob sa masasabi nating hindi basta school bag dahil ito ay quality ang gawa kabilang pa ang note book, crayola coloring book at iba pa na tipong papasok na lang sa eskuwela at kumpleto ng lahat.

Ang labis na ikinatuwa ng mga estudyante pati na rin mga Guro ng Cayabu Elementary School ay ang pagbibigay ng karagdagang gamit ng Rizal 2nd DEO tulad ng Payong at Tsinelas na bago pa bumaba sa bulubunduking lugar at magpaalam ang team ni DE Racelis ay may pa Jollibee pa. Sana All!

Napagalaman ng Usapang HAUZ na personal na inesyatibo ng DPWH Rizal 2nd DEO ang ginawa nilang pagtulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng school supplies sa mga elementary students ng nasabing eskuwelahan, sabi nga ng mga Section chief tulad ni Engineer Catherine Tamayo ng Road Maintenance section, Engr. Benjie Amansec ng Construction section, Engr. Luz Villones ng Quality Service Control at ng Planning and Design section “Patak Patak” para sa pagtulong.

Sabi nga ni Engr. Villones sa Usapang HAUZ napakasarap sa pakiramdam nakakawala ng pagod at nakakatuwa pagnakikita mong naguumapaw ang kaligayahan ng mga bata sa masasabi nating hindi naman kalakihang tulong para sa kanila, pero tatanim sa kanilang kaisipan na sila ay importante sa ating lipunan na kahit sila ay wala sa kabayanan.



Matapos ang pamamahagi ng school supplies mga Ka Usapang HAUZ, agad na ipinag-utos ni DE Racelis sa kanyang mga section chiefs partikular ang road maintenance at construction section ang malawakang inspection sa mga kakalsadahan at ongoing projects dahil na rin sa walang humpay na pagbuhos ng ulan.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag Txt sa 09352916036