Advertisers

Advertisers

Sunog sa Quiapo: 30 pamilya naabo ang bahay

0 114

Advertisers

TINUPOK ng apoy ang isang residential commercial building, Miyerkoles ng umaga sa Quiapo, Manila.
Nagsimula ang sunog 6:00 ng umaga sa isang unit ng ikatlong palapag ng isang gusali sa Globo de Oro Street.

Inakyat ang sunog sa ikalawang alarma kungsaan nadamay din sa sunog ang ikaapat na palapag ng extension building na katabi ng nasunog na gusali.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Manila, naapula ang sunog 8:00 ng umaga.



Wala namang iniulat na nasaktan sa sunog ngunit nasa 30 pamilya ang apektado, nawalan ng masisilungan ayon sa BFP. (Jocelyn Domenden)