Advertisers
KINUMPIRMA ni Bureau of Corrections chief Gregorio Catapang Jr. na ginagawang personal use ng mayores inmates sa New Bilibid Prison ang mga kubol na kanilang binuo sa loob ng naturang piitan.
Ayon kay Catapang, lumalabas na nagkaroon ng mas maraming pribilehiyo ang mga mayores dahil magaganda at malalaki aniya ang kanilang kubol.
Kung maaalala, pinaggigiba ng BuCor ang mga kubol nang madiskubre ang mga ilegal na gawain sa nasabing piitan.
Ani Catapang, talagang apektado ang mga matataas na persons deprived of liberty leader dahil ang kubol ang nagsisilbing privacy ng mga ito.
Bukod sa mga sariling kubol, mayroon rin ang mga mayores ng sariling cellphone, router, sariling tubig, tv at air cooler.