Advertisers

Advertisers

Sa ‘di matapus-tapos na isyu…“Wala nga kong driver, bodyguard pa?”—Kaye

0 117

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAG-VIRAL ang video ni Kaye Abad habang naggu-grocery sa isang supermarket sa Cebu, kung saan doon na siya naka-base ngayon matapos magpakasal kay Paul Jake Castillo.
Napansin ng netizens na habang namimili ay may kasama siyang  anim na bodyguards na nakasuot ng white polo na nakapaligid sa kanila ng dalawang anak.
Comment ng isang netizen, hindi raw naman big star si Kaye para pagkaguluhan pa at magsama ng body guards.  Sabi naman ng isa, mayaman ba  si Kaye at natatakot makidnap at kanyang mga anak kaya nagsama pa ng body guards?
Sa panayam sa aktres sa Radyo 630, sinabi niya na ikinaloka niya ang nag-viral na video.
Paglilinaw niya, nakipag-collab siya sa isang local grocery store. At ang nasabing bodyguards ay ipinadala ng management upang eskortan siya habang namimili.
Sabi ni Kaye,”Nakakaloka! Actually, in-explain ko na yan sa… I did not know that it was going viral, until my friends sent me photos.
“I explained it on my social media na I did a collaboration with this supermarket. And then, so nagpadala sila ng bodyguard.
“The bodyguards work for the supermarket and then I told them na, ‘Hindi ko na kailangan ng bodyguards kasi ‘yung mga Cebuano, sanay naman na sa ‘kin na nag-iikot-ikot lang ako sa mall mag-isa.’
“But then sabi nila, ‘Sige lang, Ma’am,’ kasi inutos daw sa kanila. So, sabi ko, ‘A, okay.’
“So yun, yung nag-viral, hindi po sa akin yung bodyguards na yun, sa supermarket po.”
“Sabi ko nga, wala nga ako driver, bodyguards pa?”diin pa ni Kaye
***
MARAMI talaga ang nangangarap na pasukin ang showbiz   At isa na rito ang bagets na si Dom Pangilinan, 16 years old na bagong alaga ng aming kaibigang si Michael Soria.
In fairness, ang gwapo ng bagets, artistahin ang dating niya. Matinee idol in the future, sa totoo lang.
Sigurado kami na  may mararating siya sa showbiz. Plus factor na rin na may malaking koneksyon sa showbiz ang manager niya na si Mama Mike.
Sa pakikipag-usap namin kay Dom during his pictorial, ikinwento niya kung paano siya na-discover ni Mama Mike.
Sabi ni Dom,”I got discoved po thru my cousin po. Hawak niya po dati ‘yung isa kong relative. Tapos nakita niya ako sa IG stories ko, tapos chinat niya po ako.
“Tinanong  niya po ako kung gusto kong maging artista. Open naman po ako na mag-artista. I really dream to be a star po.
“Gusto ko naman po kasi  na ipakita o i-share ‘yung talents ko,” aniya pa.
Handa na si Dom sa mga intrigang mai-encounter niya sa pagpasok niya sa showbiz.
“Alam ko naman po na maintriga sa showbiz, at parte naman po ‘yun ng showbiz. Alam ko naman po ‘yung pinasok ko, kaya handa na po ako na harapin ‘yung mga intriga.
“Basta hindi ko na lang po papansinin lalo na kung alam kong gawa-gawa lang, o hindi totoo yung intriga sa akin.”
Grade 11 na si Dom sa Notre Dame of Greater Manila.
Given a chance, sinong mga artista ang gusto niyang makatrabaho?
“Siguro po ‘yung mga ka-age ko, like si Andrea Brillantes. Sana po mabigyan ako ng chance na makasama siya sa movie.”
Sa ngayon ay nagwo-workshop si Dom sa GMA 7 bilang paghahanda sa pagpasok niya sa pag-aartista.
Bukod kay Dom, ang ilan pa sa male artists na alaga ni Mama Mike ay sina Heindrick Sitjar at David Racelis, na ilo-launch na bilang contract star ng Net25, Matthew Uy ng GMA Sparkle, Justine Villanueva, Timothy Chan, Iverson Santos at Lebron Myke Burlungan.