Advertisers
Ni NICK NANGIT
BALITANG-balita sa social media na nawala na sa Peysbuk si Rendon Labador noong isang linggo.
Bakeeet?
Kung inyong maaalala, siya yung lalaking vlogger na makisig ang pangangatawan dahil isa siyang Fitness Instructor sa gym. Isa rin siyang negosyante. Iniisponsoran ang IG niya ng Skyjet Airlines, at Brand ambassador pa siya ng Cofit Fat Burner. Ayon sa iba, isa raw siyang self-proclaimed motivational speaker.
Sa ilang mga posts niya sa socmed accounts niya, laging may patutsada siya o kaya’y kritisismo laban sa mga kapwa personalidad niya na, ayon sa kanya ay, itinatama lamang niya ang mga iyon. Sabi naman ng iba, lagi raw siya nakikisawsaw sa mga balita o yung tinatawag na clout-chasing.
Anyway, nasundan ang pagkakabura sa Peysbuk niya nang pansamantalang hindi muna niya magagamit ang X (dating Twitter) account niya at ang pagkakabura pa ng kanyang email! Nanganganib na rin daw ang kanyang IG at, bagama’t may mga nagsisilabasang bagong accounts na diumano’y sa kanya, matindi namang pinabubulaanan niya ang mga ito.
Grabehhh!
Kasi nga raw, nag mass report laban sa kanya ang mga netizens, dahil sa mga maaanghang na salitang binitawan niya tungkol sa Showtime. May kinalaman ito sa pagtikim ng icing nina Ion Perez at Vice Ganda, at malamang mga Kapamilya ang nag mass report.
Maraming natuwa. Sa app na X nga, may mga pasaring pa ng pagluluksa.
May nalungkot din.
Dapat nga bang magsaya tayo sa ginawa ng Meta at ng iba pang socmed apps?
Hindi.
Dahil hindi lamang siya ang maaaring maging biktima ng pagmamalabis ng mga apps na yan, kahit ba sabihin pa nating mga pribadong kumpanya lang ang mga yan at sila ang masusunod, kundi lahat tayo ay namimiligro.
Besides, wala pa kasing Pinoy app na maipapalit sa Peysbuk, kahit ang tataba ng utak ng mga Pinoy sa teknolohiya.
Ganito kasi yan. Kung may ipopost o komento ka o kaya’y may ishe-share na post ng iba, at ayaw ng mga socmed apps ito, gagamitin nila ang Community Standards o Guidelines daw na batayan para suspindihin ka, bawasan ang audience o followers mo, o tuluyan nang burahin ka sa internet.
At ano ang basehan nila?
Wala, kundi yung inimbento nilang mga alituntunin na masahol pa sa pagkitil ng kalayaan mo. Anong komunidad yan e iba’t iba ang kultura natin? Daig pa nga ng mga socmed apps ang pamahalaan. Kung may magbabayad sa kanila para burahin ka, o kung may mag mass report sa iyo, kahit mga wala silang basehan kundi ayaw lang nila sa iyo, lagot ka!
Kung inyong matatandaan, sa simula’t sapul, noong nagpalista kayo o nag subscribe sa apps nila, may pinipirmahan kayo (sa pamamagitan ng pag sang-ayon) na susunod kayo sa lahat ng mga kagustuhan nila. Wala kayong choice, syempre, dahil pag hindi kayo pumayag, hindi kayo makakapasok.
Ganun kasi ang siste!
Walang pinagkaiba yan sa trabahong gusto mong pasukan. Kung ayaw mo, wag mo. Hindi ka naman pinipilit.
Pero, eto ang hindi natin maintindihan – kung bakit hindi kumikilos ang Kongreso para ilimita ang kapangyarihan ng mga apps na yan.
Pribadong kontrata ang pinapasok natin sa apps, pero hindi naman kasama sa kasunduan ng app ang mga itatalaga nilang paktsekers. Sila sila na lang ang naglalagay niyan kalaunan, na wala ka namang pahintulot natin noong una pa lamang. Ni hindi nga natin sila kilala. Pwes, bakit sila ang nasusunod sa pribadong kontrata natin?
Ang mga paktsekers ay mga nagkukunwaring gwardiya sibil. Pero kikilos ba ang mga yan kung hindi sila binabayaran?
Maiintindihan pa natin ang mga algoritmo. Matik ang mga yan dahil nasa kompyuter sistem nila yan. Pero, ang mga paktsekers ba ay 24/7? Magtitiyaga ba ang mga yan na babantayan ang bawa’t kilos mo sa internet, kung hindi sila sasaksakan ng datung?
Hindi.
Ang masama nito, ang orihinal na layunin ng Peysbuk na kesho para magbubuklud-buklod ang lahat ay hindi naman nasusunod. Mukampera din ang may-ari niyan. Ilang pagdinig na sa Kongreso ng Anemika ang naganap, kung saan lumabas na pwede siyang bayaran ng mga pulpolitiko para i-promote sila sa eleksyon at para itago o burahin ang kalaban. Sa madaling salita, kung sino ang magbabayad, yun ang masusunod.
Ngayon, matutuwa pa ba kayo na Meta Tanggal din sa inyo, kung ayaw sa inyong fezlak?
Sa usaping Astrolohiya naman, si Rendon ay isang Leo Ox.
Hindi nagpapatalo ang Leo. Parang Araw o Sun lang iyan (na ruling planet ng Leo) na kahit anong bagyo o delubyo, sisikat at sisikat pa rin. Kung tuluya nang mawawala iyan, lahat tayo ay mawawala rin.
At katangian ng Ox ang sinasabing “slow but sure”. Kaya mahirap tibagin ang may matinding pundasyon. Mabagal man kumilos, segurista sa kalalabasan. At malayo ang pananaw ng mga yan.
Sa nakikita natin, babalik pa rin si Rendon sa socmed. Madali namang gumawa ng mga bagong account basta ba’t iibahin niya na ang mga pangalang gagamitin niya. At medyo maghinay-hinay na siya sa pagpopost.
Gagawin kaya niya yan?
Pero, higit sa lahat, dapat papanagutin ang mga paktsekers at ang mga nag mamass report (lalo na kung mga troll farms ito o yun bang mga nagkukunwaring magkakaibang tao, yun pala iisa lang sila na may maraming accounts).
Kung paano gagawin ito, trabaho na ng Kongreso.
Anyway, abangan ang Stories of the Unknown episode na mapapanood ninyo sa channels ng 89.5 The Playroom at Nickstradamus Nickstradamus sa YouTube ngayong Sabado, 9pm MNL. Ang paksa sa Live ay ang “Ebolusyon ng Tao” o tungkol sa mga ninuno ng tao.
Abangan din ang paksang MTRCB at kuwentuhang kababalaghan sa KKK Live ng mga Kabunganga Nicksters!
Congrats pala sa katatapos lamang na Benefit Concert ng Capaseño at sa Bagtas Entertainment Productions, lalo na kina DJs Krizel, Ramzee, at Mc Jonas, at sa mga performers, para sa kapakinabangan ng mga kapatid nating kabataan na Aetas.
Hanggang dito na muna, Light Love and Life, Namaste!