PNP PRO4A Regional Affairs Service sinampahan ng samo’t saring kaso ang mga opisyal at tauhan ng Sta Rosa City Police Station
Advertisers
Sa isang report na ipinalabas ng PRO4A regional Internal Police Service, 13 police officials at PNCOs na kinabibilangan ng hepe ng pulis Sta Rosa CPS at ng isa pang mid-level official at 11 PNCO ang nahaharap ngayon sa isang pre-charge investigation kaugnay ng kontrobersyal na umano’y “buy bust” sa Bgry San Antonio at Bgry Cuyab, San Pedro, Laguna nuong Mayo 18, taong ito.
Nitong mga nakaraang araw, sa isang pagdinig sa kongreso nakita sa video ang pagtatanong ni Congressman Romeo Acop ng Rizal sa mga taong nagsagawa ng umano’y buy bust operation kay ginoong Loiue Franco Quilao. Hindi magkandatuto sa pagsagot ang mga nasabing pulis na siyang ikinayamot ng kinatawan ng probinsya ng Rizal.
Hindi nagustuhan ni PBGen Carlito M Gaces ang ipinakitang pagsagot ng mga pulis-Sta Rosa sa mga ibinabatong tanong sa pagdinig kaya sa kagustuhan niyang malaman ang tunay na pangyayari, iniutos ni Gaces sa Regional Internal Affairs Service na alamin ang buong katotohanan sa likod ng anti-illegal drug operation na ito.
At nitong ika 13 ng Setyembre, taong ito naglabas ng final report ang RIAS na inirirekomenda ang Summary Hearing for administrative offense of Grave Misconduct (4 counts), Grave Irregularity in the Performance of Duty, Grave Dishonesty, Grave Neglect of Duty (Command responsibility) at Conduct Unbecoming of a Police Officer laban sa mga nabanggit na pulis.
Sa aking panayam kay RD PRO4A, PBG Gaces sinabi niya na sa mga oras na ito ay hindi pa nagsusumite ng kanyang reklamo o salaysay itong complainant na si Quilao laban sa 13 pulis ngunit, sinabi niyang hindi hadlang yun na ipagpatuloy nila ang imbestigasyon ng mga tauhan niya. Sa mga kasong administratibo, sinabi PBGen na nasasaad sa police manual ang kapangyarihan ng isang general officer na magpatanaw ng kaukulang parusa o reprimand sa mga tao nito na naaayon sa batas sa Kodigo Penal.
Iginiit ni Gen Gaces na hanggang siya ang punong kinatawan ni PNP Chief General Benjamin Acorda sa CALABARZON, hindi niya papayagang mamayagpag ang mga iregularidad sa pagtupad ng tungkulin ng kanyang mga tauhan sa kanyang nasasakupang 5 probinsya ng police regional office.