Advertisers
AMININ man o hindi ang Pilipinas ay isang “basketball nation.” Naglipana ang napakaraming koponan na nagpapakitang-gilas sa palakasan na ito. Mula noong ipinakilala ang laro noong 1910, hanggang sa kasalukuyan, tuluyang nahumaling ang mamamayan sa larong ito. Ngunit, minsan sa sidhi ng ating pagkahumaling, naging malabo na ang linya ng realidad. Opo nandiyan sa basketbol ang kani-kaniyang koponan, o manok na pinapanigan. Ito ay katanggap-tanggap. Pero ang hindi katanggap-tanggap ay kapag ang mismong manonood ay direktang nakikialam na sa pagtitimon ng laro. Sabihin natin ito ay isang “level-up” sa pagiging manonood lamang, at dahil sa pag-usbong ng social media hindi na magiging maganda ito.
Pag-usapan natin ang katatapos na FIBA, kung saan naging matindi ang suporta ng ating mga kababayan sa koponan ni Chot Reyes. Dahil sa social media, direktang nakialam na ang mga fans sa pamamahala at coaching. Ang pinakamaliit na opinyon ay nalalagay sa matinding pagsusuri, at ang desisyon ng mga coach ay sumasailalim sa mikroskopyo ng mga manonood. Dala ito ng social media. Ang pag-coach ay hindi gawaing biro. Ang dinaranas ng mga katulad ni Chot Reyes, kung saan bubuo sila ng isang epektibong koponan para sa palaro katulad ng FIBA sa loob ng napakaikling panahon ang hindi nakikita ng karamihan ng basketball fans.
Mantakin niyo, sumasailalim ang manlalaro sa agarang pagsanay, upang makabuo ng malakas at epektibong koponan sa pinakamaikling panahon. Ang mga manlalaro ay nanggaling sa iba’t ibang koponan at bukod dito may kani-kanya silang taglay na ugali at bisyo. Huwag natin kalimutan ang “third wheel” ang managers at handlers. Sila ang humaharap sa management, para sa kadalasan itaas ang talent fees ng kanilang kargo. Sila ang humaharap sa management, hindi ang mga players. Kaya hindi kasalanan ng mga coach katulad ni Chot kung natalo ang isang koponan. Hindi madali ang magbuo ng epektibo at malakas na koponan.
Taon ang binibilang hindi linggo. Kaya dapat magkaroon tayo ng pagpapahalaga sa paghihirap ng mga katulad ni Chot Reyes. Ang dinanas ni Chot Reyes sa kamay ng mga basketball fans ay hindi makatarungan at walang katuturan. Naging balewala ang paghihirap niya sa gitna ng kinaharap niyang pagsusubok. Pasensya na kayo kung sa pagkakataong ito hindi ako hihingi ng paggabay kay Poong Kabunian para sa inyo. Inilaan ko ito para sa mga katulad ni Chot Reyes. Nawa’y manatili ang alab sa kanilang dibdib. At para sa ating nakasalampak sa kani-kaniyang tumba-tumba; natalo ang Gilas? Tanggapin natin. Bilog ang bola.
***
LUMIPAT naman tayo sa kabilang court, ito yung tinatawag na “court of public opinion”. Maraming tao ang naaaalibadbaran sa asal na pinakikita si Bise-Presidente Sara Duterte lalo na tungkol sa kakulangan o kalabuan ng paliwanag tungkol sa hinihingi niyang “confidential fund” para sa kanyang tanggapan. Imbes na makipagtagisan ng talino sa pagpapaliwanag sa arena ng debate, ginawa niyang mag “walk-out” kasama ang kanyang mga kasapakat na minions matapos isabotahe ang mikropono ng mga nagtatanong. Akala siguro ng taong ito naisahan niya ang mga kritiko niya, subalit lalo lamang niya nilublob ang sarili sa mabahong kumunoy.
Didiretsuhin kita Day: Laos na ang style mong bulok na walk-out. Hindi na uubra ang balbal mong dahilan. Habang patuloy kang umiiwas harapin ang mga isyu na kinakaharap mo sanhi ng “confidential files” na binigay sa iyo na “approved without thinking” ng mga kasapakat mo sa Kongreso, lalong kumpirmado ang pananaw na layunin mo ang magkamal ng salapi mula sa kaban. Hindi mawawala ang pananaw ng karamihan na kapanalig ka ng “inferior Davao”.
Paumanhin po sa matitinong Dabawenyo. Kaya wala silang pwedeng gawin kundi ang bumili ng kongresista, huwes at Comelec. Kumbaga sa gumon sa apyan, hindi na sila makakaalis dito. Dahil sakim sila, dahil duwag sila, dahil bobo sila. Hindi magiging maganda sa pangitain ko ang kaharap ninyo. Hindi ito “fearless forecast”. Sa kalaunan mangyayari ito.
***
Mga Harbat Sa Lambat:
Sara: May “flair for drama si Risa”
Risa: If you’re so confident about those confidential funds, then defend them in public. You’re not special.
“Hindi ito ang ibig sabihin ng check and balance sa gobyerno: ‘Deposit ko na check mamaya. Tingnan mo na lang balance mo ha…” – Alexander T. Magno, mamamahayag, netisen, kritiko
“NANAKAWIN lang niya ang pera ng bayan, gusto may respeto pa sa kanya. Ibang klaseng mandarambong ito. Demanding …” – Philip Lustre Jr., mamamahayag, netisen, kritiko
“This administration is so corrupt that instead of practicing due DILIGENCE, they practice DELIHENSYA!!!…” – Maris Hidalgo, OFW, netisen, kritiko
“Ombudsman Martires says no receipts needed for confidential funds…” -Bob Magoo, rock jock, netizen, kritiko
“Kapag tinanong ka at ang sinasagot mo ay yung mga tao sa bitbit mong isang brigada, isa lang ang ibig sabihin nyan, BOBO KA!…” – Sander Bondoc, netizen, kritiko
***
JokTaym:
Customer: Waiter bakit may Langaw yung Arroz caldo ko?
Waiter: Sir Sa halagang 5 pesos ano Ineexpect mo Manok ang sahog?…”
***
mackoyv@gmail.com