Advertisers

Advertisers

Bangkay ng Pinay DH natagpuan sa Hong Kong beach

0 115

Advertisers

BANGKAY na nang matagpuan ang isang Pinay domestic helper na unang iniulat na nawawala noong Miyerkoles sa Hong Kong.

Kinilala ang Pinay na si Georgio Gonayan, 39 anyos at tubong Kalinga.

Kinumpirma ng isang tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nakita ang katawan ng Pinay matapos itong mapaulat na nawawala.



Ayon sa ulat, nakita ang labi ni Gonayan sa Stanley Beach sa Hong Kong nitong Biyernes.

Matatandaan na nag-report ang employer ni Gonayon nang umalis ito sa kanilang tahanan September 12 pero hindi na bumalik.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa biglaang pagkamatay ng OFW.